Chapter 10 - Her Views

Bắt đầu từ đầu
                                    

                Bigla ako nakaramdam ng guilt. Ganun na ba talaga ako ka-insensitive, hindi ko na napansin na pati sila nasasaktan na dahil sa akin. 

Tumayo ako at niyakap si mommy from her back before she went out of my room.

                "Mianhe (sorry)."

                Tinanggal ni mommy pagkakayakap ko sa kanya, humarap sya sakin at hinawakan ng dalawang kamay nya ang mukha ko. She kissed my forehead. Ngumiti sya at tumango sakin bago tuluyang lumabas ng kwarto. 

Napaupo na lang ako sa likod ng pintuang nilabasan nya and started crying again. 

When will these tears stop? When will they run dry?





                "Manong, pwede po pakitigil ng kotse." paki-usap ko sa family driver namin.

                "Sige po Miss."

                Nasa harap kami ngayon ng isang playground. 


Bumaba ako ng kotse at lumapit sa swing. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napabayaan na ang lugar na 'to. Karamihan sa mga gamit kung hindi puno ng kalawang, putol naman. 

Sayang, madami pa naman sanang mga bata ang mapapasaya ng lugar na 'to. Yun lang naman ang kasiyahan ng mga bata, ang makapaglaro pero ang bagay na yun ang hindi ko naranasan. Achiever ako eh, mas gusto kong mag-aral. Pero may isang bagay ang nagpasaya sakin, yun ay ang makapagperform sa harap ng maraming tao. 

Pero yun din ang umagaw sa kabataan ko. Hindi ko naranasan maglaro, puro trainings, dance and vocals. And look what it got me. 

Sa isang iglap, wala na ang mga pangarap ko, hindi na ako masaya. Pati nga ang taong akala ko magpapasaya sakin, wala na din.

                Umupo ako sa swing at naalala ko kung pano na naman ako binigo ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.



----Flashback----

                Every afternoon pumupunta ako sa bahay ni Kai, nag-iiwan ako ng envelope sa mailbox nila. Every letter inside states our love story, how we started, what we've gone through together, our plans before. Nagbabakasakaling kapag nabasa nya marealize nya that he still loves me, kasi ako I'm still in love with him despite all that he did to me. 

Naabutan ko si Yaya Mari, yaya ni Kayzer, na nasa labas ng gate ng bahay.

                "Yaya."

                "Miss Tin. Ano pong ginagawa nyo dito?"  Yaya Mari looks uneasy nang makita ako. I can't blame her. Banned ako sa bahay na 'to, utos na din ng Mommy ni Kai, si Tita Lory.

                "Is Kayzer here? Si Tita Lory nasa loob po ba?"

                "Eh... Miss Tin...."

                "Ibinigay mo ba ang mga letters ko sa kanya?" naalala ko yung letter ko sa bag ko, kinuha ko at inabot sa kanya. "Here, please give this to Kai. If he's still in Korea, kahit pag-uwi na lang nya. It's important na mabasa nya yan."

My Mystery GirlNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ