Makalipas ang sampung minuto ay nakarating na kami sa bahay namin. Sinalubong agad ako ni mama, habang si Taehyung ay sinalubong ni Shane.

Mas naging close na silang dalawa ngayon. Inaaway pa nga ako nitong si Shane kapag tinatarayan ko si Taehyung. Bwisit din tong kapatid ko e nahahawa na din sya sa pagka alien nung mokong na yun.

"Kumain naba kayo?" tanong ni mama nang makapasok kami sa loob.

Sasagot na sana ako nang bigla akong unahan ni Taehyung.

"Di pa nga po e, gutom na gutom na po ako" paawa nyang sabi kaya naman siniko ko sya.

Kapal ng mukha!

"Ayan ka nanaman!" Singhal ko sakanya na nakapag patawa kay mama.

"Shannon naman, hindi ka na nasanay dyan kay Taehyung" Ani mama habang tumatawa.

Inirapan ko nalang si Taehyung at nagpunta nako sa kusina. Sumunod naman sya.

Kumuha ako ng dalawang platito para sa amin ni Taehyung.

"O monggoloid, ikaw na bahala sa sarili mo malaki ka na" iniabot ko sakanya yung isang platito, kinuha nya naman ito saka ako inirapan.

Bakla amp*ta.

Pagkakuha namin ng tig isang slice ng yema cake ay naupo na kami sa may mesa. Pinaghanda naman kami ni mama ng juice saka ito umupo sa harap namin.

"Kamusta naman pag-aaral nyong dalawa?" Ani mama.

Lumagok naman si Taehyung ng juice bago sumagot kay mama.

"Okay naman po tita, lagi ko nga pong pinapakopya si Shannon e" Nakangiti at mayabang nyang sabi. Napairap ako at binatukan sya.

"Baliw ka? baka maniwala si mama sayo! ikaw nga dyan ang laging nangongopya sakin e!" Sigaw ko sakanya.

"Hindi no! baka ikaw! Kung hindi nga kita pinakopya nung friday baka bumagsak ka sa exam natin" Aniya at ngumisi sakin.

Ramdam ko na malapit nang umusok ang kamao ko at handa nang lumanding sa gwapo ngunit nakakabuwisit na pagmumukha ni Taehyung.

"Kim Taehyung.. gusto mo ibalik kita sa pinanggalingan mo?" sarkastiko kong sabi. Ngumiti naman sya sakin ng nakakaloko.

"Sorry na po madam baby" nakangiting sabi nya sabay halik sa pisngi ko na ikinagulat ko. Nanlaki ang mga mata ko at unti-unti akong tumingin kay mama.

Pero di ko inasahan ang makikita kong reaksyon sakanya. Nakangiti sya sa amin na kala mo batang kinikilig, kulang nalang maging puso mga mata nya.

"KAINIS KA TALAGA!" Nanggigigil kong sabi sabay sabunot sa buhok ni Taehyung. Tawa lang sya ng tawa habang niyuyug-yog ko ang ulo nya.

Dapak! baliw talaga! Nakakaimbernadette!

"Tuwing pupunta kayo dito laging ganyan ang eksena nyo, paano pag kayong dalawa nalang ang magkasama?" tanong ni mama.

Inirapan ko si Taehyung at naupo ako ng ayos.

"Laging wala sa bahay yan ma, andun sya lagi sa jowa nyang chakarat" Sagot ko kay mama.

"Selos ka lang e!" Pang-aasar ni Taehyung sabay tusok sa tagiliran ko.

Natawa nalang samin si mama at naiiling na tumayo.

"Bahala nga kayo dyan baka nakakaistorbo ako sainyo" Natatawang lumakad si mama palabas ng kusina.

Inirapan ko nalang si Taehyung.

"Yung cellphone mo oh, may nagtext yata" sambit ni Taehyung kaya napatingin ako sa cellphone ko at binuksan ito.

"Ehem! nasamid ako paabot naman ng juice" Napatingin ako kay Taehyung

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ehem! nasamid ako paabot naman ng juice" Napatingin ako kay Taehyung.

Paepal!

Inirapan ko nalang sya saka iniabot yung juice sakanya. Pagkaabot ko sakanya ay tinignan nya lang ako.

"Ano nanaman?" irita kong tanong.

"Salinan mo yung baso ko" taas noo nyang sabi habang nakahalukipkip.

Napairap ako sa ere. masakit na mata ko kakairap sa lalaking to e!

"BAHALA KA DYAN! TSE!" Padabog akong tumayo at iniwan sya.

Nadatnan ko sila mama na nanunuod ng TV kaya tumabi ako sakanila.

Maya-maya ay naglalakad palapit sa amin si Taehyung, akala ko tatabi sya samin. Nagmano sya kay mama at nagbabye kay Shane.

"Kailangan ko na po umalis tita, nagtext po kasi si Casey" Nakangiti nitong sabi kay mama.

"Mauna na po ako, Shannon di na kita masasabay kaya mo na yan malaki ka na" Malamig nyang sabi at inabutan ako ng pera saka sya naglakad palabas.

Wala akong nagawa kundi tignan ang likod nyang unti-unting naglaho. Napailing nalang ako.

"Problema nun?" Tanong ni mama.

"Ewan ko ma! hindi ka ba magagalit dahil iniwan nya ko dito?" irita kong tanong pabalik kay mama.

"Hindi naman, may karapatan naman syang umalis dahil sya naman ang amo mo, Wag mo nalang kalimutan yung ulam na niluto ko para sakanya" Ani mama at naglakad papuntang kusina.

Nanahimik nalang ako. Pero mali naman talaga na iniwan nya ko dito diba?

Kim Taehyung's SlaveWhere stories live. Discover now