EPISODE 47

138K 1.1K 46
                                    

Bernard's P.O.V.

Pinipilit na lang namin ni Maggie na i-divert sa ibang mga bagay ang atensyon namin. Lalong-lalo na sa masasayang mga bagay.

Hindi rin naman kasi makakatulong sa aming mag-asawa ang mangunsume sa mga bagay na wala naman kaming control. Sisirain lamang nito ang aming araw. Maging ang aming buhay. Hindi naman namin kasalanan ang kaguluhang kinasasangkutan ngayon ni Mike. Ginawa na namin ang lahat para matulungan siya pero mahirap nga talaga sigurong tulungan ang taong ayaw namang tulungan ang sarili niya.

"Babe, sigurado ka bang gusto mong tumuloy pa tayo sa kasal nina Benj? Three days overdue na 'yang tiyan mo, you might be on labor anytime. Maiintindihan naman siguro nila kung hindi tayo makakarating," sabi ko kay Maggie habang inaakay siya pasakay sa sasakyan.

"Baby, ring bearer si Andre, he has to be there."

"Pero babe, medyo may kalayuan sa ospital 'yung simbahan at wedding reception, mahirap na kung doon ka pa abutin."

"Hindi naman siguro. At kung mangyari man 'yun, may kaibigan ka namang doctor dun kaya hindi ako nag-aalala. Si Abby nga eh a-attend din. Pareho lang naman kaming kabuwanan na, ah."

Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko nang makipagtalo. Baka magkagalit pa kami. Ang ganda-ganda pa naman ng araw. Nag-aalala lang naman ako. Masisisi niyo ba ako?

Ang ganda ng wedding nina Benj at Mitch. Simple rin lang pero madamdamin. Nag-iyakan pa nga ang mag-asawa habang nagre-recite sila ng kanilang wedding vows. Naging mahaba at masalimuot man ang kanilang naging relasyon, pero heto, at sila rin ang nagkatuluyan. Kitang-kita naman sa kanilang mga mata ang kasiyahan at pananabik sa isa't-isa. This is true love unfolding, before our very eyes.

Pagdating sa wedding reception, sobrang saya. Lalo na noong isa-isa nang nag-umpisang magsalita ang mga malalapit na kapamilya, kamag-anak at kaibigan ng bagong kasal. Meron din namang mga samo't-saring games na nakakaaliw. Habang ako ay tutok na tutok kay Maggie sa sobrang pag-aalala sa kanyang kalagayan.

Maya't maya ang pagtatanong ko sa kanya kaya medyo naiinis na rin siya sa akin. Pero mas mabuti na ang mainis siya sa pagbabantay ko sa kanya kesa naman sa kung ano pa ang mangyari sa kanilang mag-ina nang dahil naging pabaya akong asawa't ama.

Natanaw kong naghagis na nga bouquet niya si Mitch. Walang ka-effort effort namang nasambot ito ni Rhea—Tristan's girlfriend. Ang garter na inihagis naman ni Benj ay walang ka-effort effort din na lumanding sa kamay ni Luke. Hmmm... ibig sabihin ba noon, susunod nang ikasal either si Tristan o si Luke?

"Mahal, okay ka lang ba?" Na-overheard ko na tanong ni Jon kay Abby sa katabing lamesa. Nakaharap sa anggulo ko si Abby kaya't nakikita ko na medyo namumutla nga siya.

"U-uwi na tayo, Jon, medyo dumadalas na kasi ang contractions ko," sagot naman ni Abby.

Mukha namang narinig ni Jason ang pag-uusap ng mag-asawa dahil nakita ko itong lumapit at tumabi sa upuang nasa kabilang side ni Abby.

"Gaano na kalimit ang contractions mo?" tanong ni Jason kay Abby.

"Almost every 30 minutes na mula kanina sa simbahan." Ngumingibit na siya na parang may masakit na sa kanya.

Iniusog pa ng mas malapit ni Jon ang kanyang upuan kay Abby at saka inumpisahang haplos-haplusin ang tiyan ng kanyang asawa.

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon