EPISODE 2

310K 2K 16
                                    

Bernard's P.O.V.

"Ano ka ba naman kuya Bernard, may balak ka bang patayin ako sa nerbyos? Bakit naman bigla kang pumreno? Wala naman tayo sa stop light, wala namang tao sa harapan, wala ka namang mababangga. Buti na lang naka-seatbelt ako!"

Hindi ako nakapagsalita. I just froze there in the middle of the road. Mabuti na lang at walang mga nakasunod sa akin na sasakyan.

"Hoy!" Sabay hampas niya sa braso ko. "Ano bang nangyayari sa iyo?"

Tumingin lang ako sa kanya. Palagay ko, halata niya ang pamumutla ko.

"A-ah, wala. S-sorry." Umiwas ako ng tingin at itinuloy ko na ang pagmamaneho.

Pucha! Ano nga ba ang nangyari sa akin?

Marahil ay nagulat lang ako na marinig kay Maggie ang mga ganung bagay. Magkakilala na kasi kami simula pa sa pagkabata. Magkapitbahay kasi kami dati; noong mga panahong nabubuhay pa ang mama ko. Dalawang taon lang naman ang tanda ko sa kanya. Si Mike ang ka-edad ko sa kanilang magkapatid. Nakilala ko siyang suplada pero mahinhin, 'yung parang hindi makabasag-pinggan. Crush ko pa nga siya noon dahil ang ganda-ganda niya. Makinis, maputi at konserbatibo. Pero dahil sister siya ng best friend ko, itinatatak ko sa aking isipan na hindi kami talo. Self-imposed 'yun dahil hindi naman ako pinagbawalan ni Mike.

Hindi naman malayo ang kanyang apartment mula sa bar. Kaya't bagama't medyo ma-traffic ay nakarating din kami kaagad.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Hindi ko alam kung gusto mong tumuloy sa place ko," anya, "Magulo pa kasi. Naka-box pa nga ang karamihan sa mga gamit ko pero gusto mo man lang bang magkape o magmiryenda? May baked mac ako sa fridge."

Napa-isip ako sandali. Shit! Am I supposed to go there with my old crush, alone? Just the two of us. And to think that we are both fresh from breakup.

"Baked mac, sounds good."

Dang idiot. Now get a grip, Bernard.

Magkasabay kaming bumaba ng kotse ko at sinundan siya papasok sa kanyang apartment.

[ITUTULOY]

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon