EPISODE 37

174K 1.1K 31
                                    

Bernard's P.O.V.

May dalawang nurse na nakatoka sa nursery when we went there to see Andre, our new born son. Isang nakatatandang nurse at isang mas bata.

Habang ipinapakita sa amin noong mas nakatatanda ang aking anak ay kapansin-pansin ang pagkaaburido noong nakakababatang nurse. Sumusulyap-sulyap kasi ito sa anak ko.

Ewan ko ba pero masama ang kutob ko sa mas nakababatang nurse na iyon. Para kasing given a chance ay may gusto siyang gawin sa anak ko. Dahil doon ay na-paranoid na ako ng todo. Hindi ko na tinantanan ang nurse na iyon. Pasikreto ko itong sinubaybayan.

Matagal-tagal din akong naghintay pero wala naman siyang ginawang kakaiba. Malapit na akong makumbinsi na paranoia ko lang 'yon nang ang ikinikilos nito ay bigla na lamang nag-iba. Nagbago 'yon simula nang umalis ang nakatatandang nurse na para bang iyon lang ang hinihintay niya kanina pa.

May dinukot ito sa bulsa niya, para iyong maliit na tube na may cotton swab sa loob. Pagkatapos ay nagmamadali niyang nilapitan ang anak ko, ipinahid ang cotton swab sa bibig ni Andre at pagkatapos ay ibinalik ang cotton swab sa tube bago nito inilagay ulit sa kanyang bulsa.

Luminga-linga ito. Nang masiguro niyang wala pa 'yung kasama niya ay may kinuha siyang isa pang bagay sa kanyang bulsa. Isa itong syringe.

P-tang ina! A syringe? Anong gagawin niya sa anak ko?

Tuksong-tukso na akong sugurin siya pero bago pa ako nakakilos ay itinarak na niya iyon sa isang sakong ni Andre. Nakita kong kumuha siya ng kaunting dugo mula roon.

What the f-ck?!

Noon na ako kumilos. Tumayo ako sa pinagtataguan kong sulok sa labas ng nursery at kumatok mula sa labas ng salamin.

"Anong ginagawa mo sa anak ko?!" sigaw ko pero mukhang hindi niya ako nadidinig.

Nagmamadali siyang lumabas nang siya namang pagdating ng mas nakakatandang nurse. Naunawaan ko naman sa pamamagitan ng galaw ng kanyang katawan at buka ng kanyang bibig na nagpapaalam muna siyang aalis. Pinayagan naman siya ng nakatatandang nurse.

Sinundan ko siya sa sa kung saan-saang pasikot-sikot ng ospital. Minabuti kong tandaan ang bawat nililikuan ko para alam ko kung paano ako makakabalik kahit saan pa humantong ang pagsunod ko.

Matapos ang mahigit walong paliko-liko ay nakita ko siyang tumigil sa isang pintuan at may tinatawagan sa cellphone.

"Nandito na ako, nasaan ka ba?" aniya.

Pagkatapos noon ay luminga-linga siya na parang may hinahanap.

"O sige, paparyan na ako," sabi niya sa kausap.

Muli siyang naglakad, sinundan ko ulit. Naglalakad siya ng diretso nang may nakita akong kamay na humila sa kanya sa isang madilim na silid. Kinakabahan man ay lumapit ako doon para malaman ko kung ano ba ang nangyayari doon.

"Nakuha mo ba?" tanong sa kanya ng isang tinig. Boses lalake.

"Eto," sabi niya.

"Good job, Jenna," sabi ulit ng misteryosong tinig ng lalaki. "Dahil dyan, may reward ka."

"Oohhh! M-Mike," daing ng nurse.

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon