Chapter Sixteen

17 2 0
                                    


A/N: ang photo po ng lalaki sa itaas ay si Kim Min Jun po na gumaganap bilang Zimri Izanami Lee.

****

Nagulat din ako sa ginawa niyang pagbalik yakap sakin. Pero itinago ko ang gulat na yun at bumitaw na sa pagyakap sa kanya. Tiningnan ko siya at ganun din ang ginawa niya. Nakikita kong seryoso at tapat na talaga siya sakin ngayon at di ko itatangging mahal na mahal ko talaga ang taong nasa harap ko ngayon.

Bago paman may mangyaring kissing scene sa pagitan namin ay agad na akong nagsalita at inaya siya na pumasok na sa sasakyan niya.

"Tara na" sabi ko ma pilit itinatago ang sayang nararamdaman. Pumasok na din naman agad siya pagkatapos niya akong pagbuksan at papasukin sa kanyang kotse.

Habang nasa biyahe ay bigla ko naalala si Luke, baka di pa sila nakakauwi ni kuya. Tatawagan ko nalang muna sila.

Mga ilang ring lang ay sinagot naman agad ni kuya.

"Hello kuya? Asan na kayo ni Luke?"

[hello bunso, nandito kami sa condo ko. Malapit lang sa building ng condo niyo. Bakit?]

"Ah ganun ba kuya. Kukunin ko na si Luke, dadaanan ko nalang siya diyan ngayon. E text mo nalang ang number ng unit mo."

[oh sige bunso ---- babe hali na kayo ni Luke kain na tayo!]

Biglang may sumigaw na boses babae sa kabilang linya kaya nagtaka ako. Wala naman kasing ipinakilala si kuya na girlfriend niya kaya sobrang nakakagulat na may tumatawag sa kanyang babe.

"Oy kuya ha bakit parang meron kang di sinasabi sakin! Oyy si kuya may lablayp na" sabi ko ng medyo tumatawa ng pabiro.

[h-ha? Si bunso talaga oh. Wag ka nga nakikinig sa mga nangyayari dito. Nakakahiya kaya!]

kahit mahina ay narinig ko ang huling sabi ni kuya at ang cute lang isipin na sa sobrang laking tao at striktong lalake ni kuya ay ganito siya umakto ng dahil sa isang babae. Grabe talaga may girlprend na si kuya. ^__^

"Sus kuya wag ka na mahiya hahaha sige na po hintayin niyo na lang ako at kukunin ko na si Luke. Ingat kayo diyan kuya pati si girlprend mo ha?" Sabi ko ng natatawa. Hindi na naman niya ako sinagot at pinatay na agad ang tawag. Grabe hanggang ngayon pikon parin yung lalaking yun.

"So, where's Yuhan's unit?" Nabigla ako ng may biglang nagsalita. Nakalimutan kong si Zim pala ang kasama ko.

"Sa DOBIDOBI-DAPDAP  na building daw katabi ng ating building na DOBODOBI-DIPDIP." Sabi ko sa kanya na seryosong nakatingin sa dadaanan.

"Okay"

Nakarating din kami agad sa unit ni kuya. At pinindot agad ang buzzer ng unit niya ng at binuksan niya naman agad yun. Pagkabukas na pagkabukas ay bumungad agad sa amin ang mukha ni kuya at ng—girlprend niya na nasalikod niya habang karga karga si Luke.

"Mommy!!" Hataw na sigaw ni Luke ng makita ako. Habang ako ay tumingin ng nakakaloko kay kuya at sa puntong ito ay kitang kita ko na ang nahihiya at nakakunot na noo niya.

"Oh bunso nandyan na anak mo alis ka na"

"Ay grabe ka kuya, di mo man lang ba ako e papakilala diyan sa kasama mo?" Binigyan ako ni kuya ng nakakatakot na tingin pero syempre di ako nag pa tinag. Biglang lumapit ang kasama niyang babae na mukhang syota niya talaga at nag pakilala.

"Hi, I'm Lian. Lian Hussey" nakangiting pakilala sakin ni Lian. Wow grabe ang ganda niya sa malapitan, nakakatomboy tong isang to.

[this is Olivia Hussey na gumaganap bilang Lian Hussey.]

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon