Chapter Eleven

23 2 0
                                    


Nang matapos kami ni Luke sa pamamasyal ay agad naman kami umuwi sa condo. Pagkapasok na pagkapasok namin ay sinabihan ko agad si yaya na siya na muna bahala sa anak ko. At ako naman ay dumeritso sa labas at patakbong umakyat sa rooftop ng building.

Pagkarating na pagkarating ko sa rooftop agad naman akong napa upo at isinubsub ang mukha sa tuhod ko. At hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa gustong lumabas. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng ganito. Simula ng makita ko sila sa mall kanina hindi ko alam kung bakit parang ang sakit sakit na makita silang magkasamang muli.

Alam kong wala akong karapatang masaktan, pero nang makita ko si Zim na niyakap si Zackaria habang umiiyak ay bigla nalang ako nasaktan.

"BWES*T KA ZIMMM!!!! BAKIT HANGGANG NGAYON SINASAKTAN MO PARIN AKO!!! " sigaw ko, wala rin namang makakarinig sakin dito eh. At kung meron man, wala na akong pakialam.

"At bakit hanggang *sniff* ngayon *sniff* ikaw parin ang mahal ko? Bakit?!!" Sobrang iyak ko habang sinasabi ang mga salitang yan.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako iiyak dito sa rooftop.

BOOOGSH..

Bigla akong napahinto sa kakaiyak ng may narinig akong kalabog. Waaahhh baka multo huhuhu baka nagalit sa sobrang ingay ko. Huhuhu

BOOOGSH..

Bigla ulit may kumalabog. Waaaahh baka nga multo yun huhuhuhu...

"Huhuhu sorry na multo di na ako mag iingay huhuhu" sabi ko habang naka daop ang mga palad.

"Huhuhu sorry talaga----" natigilan ako ng may makita akong tao na naka dapa. Nilapitan ko at nagulat ako sa nakita.

"Zi-Zim?" Agad naman akong lumapit sa kanya at tinayo siya. Paano ba naman kasi lasing pa atang pumunta dito. Mamaya nalang ulit ako mag e-emote .

Tinayo ko siya at muntikan pa kaming matumba dahil sa bigat niya. Bakit ba kasi nag lasing to, tsk.

"Sir gising po." Sabi ko sabay tapik sa pisngi niya, pero wiz epek.

"Sir pwede po ba tumayo na kayo---"

" Ruthy.." Mahina niyang sabi pero rinig na rinig ko naman dahil sa sobrang tahimik nang rooftop.

"Ba-bakit s-sir?" Utal kong sabi. Bakit niya ba tinatawag pangalan ko? Aware ba siyang ako kasama niya? Eh diba nga lasing siya.

"Ruthy, sorry.... Baby." Sabi niya ng nakapikit parin. Pero ano daw... baby?

"Ano bang pinagsasabi mo,tsk!" Inis kong sabi at di ko namalayang nabitawan ko siya kaya naman sumalampak ang mukha niya sa sahig. Hala ka, sorry naman. Ikaw naman kasi eh tsk.

"Baby so-sorry na. Baby ko ba yung kasama mo *hiccups* pakilala mo naman ako oh *hiccups* tell him *hiccups* it's daddy." Sabi niya nang nakasalampak parin ang mukha sa sahig.

Sobrang lasing niya pero kung magsalita aakalain mong hindi siya lasing. Bigla naman siyang tumayo, at nag lakad papalapit sakin.

"Ruthy.. Ikaw ba yan?" Sabi niya at talagang lumapit siya sakin.

"A-anong ginagawa mo? Layuan mo nga ako." Hala ka, eh kasi naman hinawakan niya kamay ko.

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon