Chapter Fourteen

20 1 0
                                    


Mabilis na tumakbo ang oras kaya ngayon ay nalalapit na ang kaarawan ng baby ko. Mag aapat na taon na siya and kailangan laging maganda at masaya ang kaarawan niya. Heto ako ngayon at inaasikaso ang preparations ng birth day ni Luke.

"So maam, ano po ba ang magiging theme ng party ng baby niyo?" Tanong ng babaeng kasing edad ko lang yata na siyang mag aayos ng birthday ni Luke,

"Ahmm. Gustong gusto niya kasi si Lightning McQueen yung cartoon character na sasakyan, yun sana yung magiging theme Lightning McQueen . Meron ba kayo nun?" Tanong ko habang tumitingin sa mga designs na meron sil?

"Yes maam. So red na po lahat ng magiging color ng mga e de-design namin? Or meron po kayung babaguhin? "

"Okay na yung red at yung iibahin lang na kulay ang balloons gusto sana yellow at yung gifts bags para sa mga kids na aatend eh kulay yellow, blue at red." Sabi ko sa kanya ng seryoso. Ang pangit naman kasi kung puro red lang mag mumukhang maldito ang anak kung pag ganun.

"Okay po maam. May e dadagdag pa po ba kayo?" Tanong niya ulit habang hawak hawak niya ang listahan ng lahat ng ipinagawa ko sa kanya.

Hmmm ano panga ba ang dapat kung ipaayos?

" ahmm meron ba kayong pwedeng maging comedian para mapatawa yung mga bat, yung hindi clown ha kasi baka matakot mga bata eh. Oh kahit magician na peke meron?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi takot ang baby ko sa clown pero pano yung mga bisita niya diba.

"Meron po maam, so yung lang po?" Sabi niya habang nililista yung edinagdag kong magician.

"Oo yun lang , sana pagandahin niyo yung birthday ng baby ko ha? Sige kayo nang bahala, alis na ako." Sabi ko ng nakangiti at nag paalam na sa kanya.



Grabe nakakapakod ng araw na ito. Umikot ako sa kung saan saan para matapos ang pag pe-prepare ng birthday ni Luke. Tumakas pa ako sa opisina upang matapos lang to at sawakas tapos na rin. Pabalik na ako ng opisina at nasa floor na ako ng mismong opisina ko . Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad kaagad sakin ang mukha ni Zim. Grabe makikita mo sa mukha niya ang sobrang galit. Lagot ka ngayon Ruth.


"Where the hell did you go?!" Galit na galit niyang sigaw sakin. Bigla akong kinabahan, anong sasabihin ko?

"A-Ano k-kasi Zim.... May importante akong pinuntahan ta----"

"Importante? So ano tong trabaho mo, hindi importante? The fvck Ruth! The time na nandito ako ay siya namang wala ka. Alam mo bang sobrang nakakabaliw ng walang katulong dito? Sana sinabi mo na hindi ka makakapasok, bwes*t!!!"

Hala lagot sobrang galit nga siya . Ang galing mo kasi Ruth di mo kasi nalang siya tinawagan or tenext man lang, yan tuloy nagalit.

" so-sory po Mr. Lee, importante lang po kasi." Sabi ko sabay yuko, kakatakot kasi ng aura niya ngayon, , mas nakakatakot pa sa mukha ni aura sa probinsyano.

"Well, your sorry is not enough! Ang daming trabaho! P*ta naman Ruth, wala ako sa mood ngayon para sa mga rason mo. Alam mo naman na may hinahabol tayung project diba?! DIBA! Ang sabihin mo nakikipaglandian ka sa ibang lalake diyan sa labas, at yan ang importanteng bagay na sinasabi mo!!"

PAK!

Sinampal ko siya. Oo seryoso, sumusobra na kasi eh . Wala na sa lugar ang galit niya.
Naiintindihan kong wala siya sa mood ngayon dahil sa hinahabol na project, pero mali naman yata ang akusahan ako ng paglalandi diba. Oo may mali ako kasi di ako nakapag paalam sa kanya, pero hindi ibig sabihin na lumalandi na ako sa labas. Tama na siguro ang isang malakas na sampal para matauhan siya.

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon