Chapter Three

40 2 0
                                    

Patakbo akong pumasok sa opisina ngayon. Medyo late na kasi ako and it's all because sa traffic. Tsk, pawis na agad ako di panga nakakasimula sa trabaho.

Oo nga pala, ngayon ma namin malalaman kung kaninong mga design ang mapapasali sa maitatampok na bagong magazine ngayon. Dumeritso ako sa malaking room kung saan magaganap ang pag a-announce ng mga masasaling design.

"Besty bakit ngayon kalang? Mabuti at magsisimula palang. Halika ka dito." Hinila ako ni Elise pa punta sa unahan kung saan makikita talaga namin ang nag sasalita sa stage.

"This afternoon we will announce of whom designs will be able to join the Years Fashion Magazine. There are only 10 designs that the company choose. And the first design is made by....." Medyo ma pa thrill ang pagkakasabi ni Ms. Laura, ang vice president ng companya.

Pumikit si Elise na tila ba nag dadasal na sana masali ang kanyang gawa.

" Sabrina Lane, congratulations." Sabi nung ni vice, at pumalakpak ang lahat.

"And the second one is made by..... Elise Motenegro." Sabi ni vice, at tila di maka paniwalang ngumiti si Elise sa kanyang narinig.

"WAAAAHHHHHHH YEHEYYYY." Natawa naman ang lahat sa inasal ni Elise.

"Okay, Elise. Now quite. And next designer will be.... Adison Parker." Nag palak pakan naman ang lahat.

6 na mga designers na ang nasasabi at kinakabahan ako dahil hanggang ngayon wala paring nababanggit ni katiting na salita ng pangalan ko.

" And the last four designs are owned by one person. She did really have this beautiful designs. We did not expect that the most beautiful designs are made by only one person. And this person will be.....," lahat nag hihintay sa sasabihin ni vice. Pati ako nag hihintay and at the same time kinakabahan na na e-excite.

"Ms. Yshnaira Ruth Hermosa. Congratulations Ms. Hermosa. Your 4 designs were chosen to join the Years Fashion Magazine." Talagang nagulat ako sa sinabi ni vice. Hindi ko enexpect na apat na gawa ko ang mapipili samantalang tig iisa lang ang napili sa iba.

Ang mapupungay kong mga mata ay namilog charooot . Pero totoo, nanlaki ang aking mata at di namalayang niyayakap na pala ako ni Elise. Lahat ng mga ka opisina ko ay nag palakpakan at binabati ako. Habang si Sabrina naman parang inis na naka tingin sakin. Oo nga pala, hate ako ni Sabrina dahil lagi mga designs ko ang nasasama sa top 3 most beautiful designs. Pero pabayaan na natin, ang mahalaga masaya ako ngayon. 😊

****

After nang announcement, bumalik na kami sa kanya kanyang block. Talagang todo bati at yakap naman itong si Elise sakin. Keso ang galing ko daw.

"Besty libre ka ha? Hihihi" nakangiting sabi ni Elise. Hay kahit kailan talaga patay gutom 'tong si bichay.

"Okay." Nakangiti kong sabi. Pagbigyan na natin minsan lang naman.

"Ruth kami rin ah--tsaka ako Ruth--ako rin Ruth." Sabay sabay na sabi ng mga ka block ko. Maliban nalang kay Sabrina na talagang todo ismid at irap lang ang ginagawa.

"Sige,sige. Basta sa susunod kayo naman mang libre. Nako mga babae di ako mayaman para lage kayong e libre." Sabi ko naman sa kanila. At sabay sabay naman silang tumango sakin.

And yun nga, after ng work namin napag desisyunan naming kumain sa isang fast food chain. Medyo di naman kamahalan kaya okay lang.

Ang mga kasama ko kain lang ng kain, habang ako nakangiti lang na tinitignan sila.

"Oo nga pala Ruth kumusta na baby mo? Ilang taon na ba siya ngayon?" Tanong naman ni Vianess.

Napatigil naman ako sa tanong niya. Lahat sila nag hihintay ng sagot ko. Oo nga pala may anak na ako. Hindi ko nga lang kasama kasi nasa bahay siya ng kuya ko ngayon. Kami nalang kasi ng kuya ko ang natitira dahil namatay na ang mga magulang namin dahil sa aksidente. Kung magtatanong kayo kung sinong ama, well sa tingin ko alam niyo na.

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon