"Pwede naman. Iwan kita dito gusto mo?" seryoso niyang tanong habang papasok sa loob ng gubat.


Hala, supernatural hunter mode activated. Seryoso si gago.


"Huy wait lang, hintayin mo naman ako. Paano mo nalaman na may Kapre dito? Tinext ka ba nila ng Dito Na Me, Where Na You?"

"As I have mentioned, naka received ako ng reports na may Kapre sa umaga. It only means they can no longer control themselves. Unfortunately, may ilang casualties na. Only their bloody clothes were found."

"Talaga? Ah ganun ba? Okies."


Bakit ba kasi ko sumama pa dito? Punong Babaylan ako, more on healing at support. Di naman ako supernatural hunter tulad ni Sage.


"Are you afraid?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Ha? Me? Of course not, coconut! Me scared? Tsk! No way hi-way!"

"Baka maihi ka sa kaba pag nagdilim na."

"Excuse me! I'm not afraid of the dark! I'm tapang a tao! I'm... I'm... Ay kike! Ano ba yun?"


Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla ako nadapa. Tinulungan ako bumangon ni Sage pero mas nagulat ako nang makita ang reason ng pagkadapa ko. Isang putol na binti na medyo fresh pa at madaming dugo.

Bigla ako tumayo at lumapit kay Sage sa takot.

Naku po! Bakit may putol na paa dito? Nakakatakot! Di ko pa nga napapanood kahit isa sa mga The Saw Franchise.


"Sage... leg ng tao yan di ba?" mahigpit kong hawak sa braso niya.

"I told you. They are uncontrollable."


Di na ko naka sagot pa dahil napuno ng fog ang kagubatan kahit tirik ang sikat ng araw. Biglang lumamig ang paligid. Saglit pa at lumabas ang pitong kapre. Mataas parang mga basketball players pero di ko sila maaninag dahil nakatago sila sa makapal na usok.


"Sage, dapat iniwan mo na lang ako sa hotel," bulong ko sabay tago sa likod niya.

"Gutom daw sila. Ikaw kaya bigay ko na alay?"

"Payag na ko na tikman mo ko. Wag mo lang ako iiwan dito. Takut aku!" nakapikit kong sabi habang nagtatago sa likod niya.

"Gagawin ko ba naman yun?" sabi ni Sage sabay hawak sa kamay ko. 

Gamit ang isang kamay niya, nilabas niya ang white blade ni Magawen. Akala ko aatakihin kami ng mga Kapre pero bigla sila lumuhod sa harapan namin na parang nagmamakaawa.

"Alagad ni Bathala. Gawin mo ang nararapat sa amin. Nawa ay patawarin kami ng Amang Lumikha," sabi ng isang Kapre.

"May natira pa ba sa inyo?" tanong ni Sage sa kapre na pinaka malaki, parang leader nila.

"Pito sa amin ang napunta sa kasamaan. Paubos na kami at ikaw lang ang pag-asa namin."

"Uhmm Sage. Anong daw gagawin mo?"

"They want me to end their suffering. Nagsimula ito few years ago. Tahimik sila namumuhay dito ilang siglo na ang nakaraan ngunit bigla silang na corrupt without any reason."

"And what do you think is the reason?"

"Something dark and powerful is affecting these creatures."


Binitiwan ni Sage ang kamay ko at tinaas ang blade ni Magawen. Di ko inaasahan na may sinag ng araw na biglang tatama sa blade as if the sun is empowering the blade. In one quick move, ginamit ni Sage ang white blade sa pitong kapre at naglaho sila na parang sparkling dust.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang marealize ko na wala na ang presence ng mga Kapre.


"I think may sinabi ka sa akin kanina. Pakiulit nga?" tanong ni Sage habang naglalakad kami sa daan at naghihintay ng tricycle.

"Ha? Anong sinabi ko?"

"Na pwede na kita tikman?"

"Oy, wala akong sinabi na ganun. Wala ako naaalala."

"Ako ba may selective amnesia o ikaw?" tanong niya sabay biglang halik sa mga labi ko kahit nasa gitna kami ng kawalan.

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now