Chapter 4 - Red Medallion

Start from the beginning
                                    

Anebeyen!


"Sage... Hindi ka na vampire..."

"So kung vampire ako, ok lang halikan kita sa leeg? Ganun ba?"

"Kahit naman hindi ok sa akin, may magagawa ba ko? Ginawa mo kong dessert noon."

"Why do I sense that you enjoyed every part of it?"

"Hoy, hindi noh!" sabay tulak ko sa kanya.

"Rei, be honest with me. Did we... already... do the thing?"

"No! Ano ba yang mga tinatanong mo sa akin!" galit kong sagot sabay talikod sa kanya. Ayokong makita niya ang namumula kong mukha.

"But why do I have a memory of you being naked?"

"What? Imagination mo lang yun. Hindi ako yun!" deny to death kong sabi.


I can't let him know na muntikan na may mangyari sa amin dalawa. Hindi lang isang beses, maraming beses at natigil lang dahil sa mga so-called istorbo.


"You're right. That's just probably my imagination. Di naman kita type," natatawa niyang sabi sa akin.


Tignan mo tong walang hiyang lalakeng to. Nawala ng six months at walang maalala, pero ang naalala niya ay hindi niya ko type?

Pambihira! Nakakagalit!


"Rei, I am sorry kung naghintay ka ng six months..."

"Sir Rusty also waited for you. Nang hindi mo siya tinawagan sa loob ng ilang araw, pumunta sila ni Uncle Syl sa Shaanxi para hanapin ka, but they can't locate you."

"They won't find me there."

"I tried to contact Lola Helda. She taught me a locator spell pero di ka namin mahanap as if naglaho ka na parang bula sa mundo."

"I was gone for six months, but it was only six minutes on my part."

"What do you mean six minutes?" naguguluhan kong tanong sabay harap sa kanya.


Anong pinagsasabi nito?


"After you lifted the curse, I was in a long vivid dream. It is as if yung mga spirit ng four medallions ay kinakausap ako. They are asking for my help."

"Spirit ng medallions?"

"Para silang mga ethereal spirit-like beings na nagsisilbing defender ng mga medallions. The red medallion has a phoenix guardian and it asked my help. The medallion was in danger."

"Kinausap ka ng medallion? Nababaliw ka na ba?"

"Hindi ko alam kung bakit sa akin sila humingi ng tulong but I think the sorceress is asking help from other owners of the medallions and I was the receiving end of her distress call. Siguro dahil ginamit mo sa akin ang power ng tatlong medallions.

"Bakit nasa panganib ang red medallion?"

"A sorceress in China owned it and she was being chased by horned demons. I bet this is similar to the same horned demon na napatay ni Silawin noong niligtas niya si Helda Heilig, pero it seems na hindi lang ito nag-iisa, madami sila. Before the sorceress died, she hid the medallion inside a secret tomb of a Chinese emperor. In my dream, I saw the exact details of the secret tomb and how she hid it, parang isang vision. Mabilis kong narating ang lugar at nakapasok din ako sa tomb. I was able to obtain the medallion in six fucking minutes, pero pagkalabas ko ng tomb, six months already passed."

"Parang may time-warp shit sa tomb? Is that what you are saying?"

"Something like that. The tomb is a one-way trap, designed to let someone in but never out. Nakalabas lang ako dahil pinakita sa akin ng sorceress kung paano makakalabas sa trap na yun. But staying inside the tomb twisted my time."

"Well, that explains kung bakit ka nawala ng six months, but it does not explain kung bakit ka hindi nagpaalam..." sabi ko sabay lakad ng mabilis palayo kay Sage.

"Hoy, babae! Nagtatampo ka pa ba? I already explained na hindi ko kasalanan na mawala ako ng matagal," sabi ni Sage habang hinahabol ako sa paglalakad.

"Eh bakit di ka nga nagpaalam?"

"Di ko talaga sinabi sayo dahil ayoko mag-alala ka. Mukha ka pa naman possessive girlfriend. I am sure mag-iinsist ka na sumama and I can't put you in danger. Akala ko makakabalik ako agad."

"Well, mali ka ng akala dahil inabot ka ng six months."

"Wag ka na magtampo, babawi ako sayo. Di ba ako pa din boyfriend mo?" malambing na tanong ni Sage sabay kuha ng mga kamay ko.

"Di ako nagtatampo dahil di naman kita boyfriend."

"Di ba pumayag ka na nung isang linggo? I mean, nung graduation day mo. I mean, you love me right?"

"Binabawi ko na..."

"Haist! Pabebe ka naman, Rei..."


Without warning, bigla akong binuhat ni Sage at nilagay sa kanyang balikat effortlessly. Para siyang magsasaka na may dalang bigas sa balikat.


"Sage! Ano ba! Ibaba mo na ko please?"


Naglalakad pa din siya sa tabing ilog at hindi ako masyado makapag violent reaction dahil nasa gilid na kami ng ilog at babagsak ako sa tubig kapag nahulog ako.


"Nope. Nag-eenjoy pa ako na buhat ka."

"Ibaba mo na ko! Nahihilo ko!"

"Matakaw ka ba? Bakit ba ang bigat mo?"

"Sage, madami na nakatingin sa atin."

"I don't care."

"Ano ba gagawin ko para ibaba mo ko?"

"Gusto ko sa tabi tayo matulog ngayong gabi," natatawa niyang sabi.


May ilang mga tao na din ang nakatingin sa kalokohan ni Sage. Siguro hinihintay nila na ihagis ako ni Sage sa ilog.


"Ayoko! Pass! Ano pa gusto mo?"

"Tabi tayo matulog, yun ang gusto ko."

"Di ako pwede matulog sa inyo. Walang kasama ang mga aso ko sa bahay."

"Dun ako matutulog sa inyo. Deal?"

"Fine, dun ka sa kwarto ni Uncle Syl! Pwede ibaba mo na ko? Pinagtitinginan na nila tayo!"

"Nope, until you tell me na ako pa rin ang boyfriend mo saka lang kita ibababa."

"Oo na, ikaw na mahal ko! As if naman makakahanap ako ng ibang boyfriend eh ikaw lang ang nasa puso ko! Masaya ka na?"

"Good girl. Next time wag masyado pabebe ah?" sabi ni Sage sabay baba sa akin at tapik sa ulo ko na para kong aso.

"Well, next time, magpapaalam ka sa girlfriend mo kung saan sulok ka ng mundo pupunta."

"Promise, next time isasama na kita. Baka tuluyan mo ko iwan eh." 

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now