021 // sam's

2K 133 9
                                    

kim samantha's 

Nagmadali ako pumasok ng campus habang dala-dala 'yung backpack ko. Late kasi ako nagising kasi 'di tumunog 'yung alarm sa phone ko! Itapon ko na kaya 'yung phone ko? Joke, sayang 'yun hehe.

Buti na lang talaga bukas pa 'yung school gates. Tumakbo na talaga ako papunta sa room kung saan magaganap ang photoshoot, sa 3rd floor 'yun kaya nagmadali akong umakyat ng hagdan hanggang maabot ko 'yung 3rd floor. 

Nang makarating ako sa room na 'yun, nabalibag ko naman 'yung pinto. Kaya napatingin sa akin lahat ng tao lalo na 'yung ibang constestants. Isang kang kahihiyan, Sam!

"Hehe, sorry." Nagbow ako dahil sobrang hiyang-hiya na ako.

Lumapit naman si Naomi sa akin, "Akala ko 'di ka na pupunta huhu." 

Kinuha ni Naomi 'yung bag ko at pinaupo. 

-

Natapos na ako ayusan ni Naomi. Infairness, ang ganda ko. Ay, char lang. 

"Swerte mo, Sam. Partner mo si Daniel. Sinadya ko 'yun kasi bagay kayo hihi." Natawa naman ako sa sinabi ni Naomi pero deep inside, kinikilig talaga ako hehe joke. Napatingin ako kay Daniel na inaayusan ng kapatid niya, Ellie ba 'yun? Ah, basta! 

"Tsaka pala, ipopost namin 'yung pictures niyo tapos padamihan ng likes 'yun. May award kasi pagdating sa mismong pageant." Sambit ni Naomi. Tumango na lang ako.

"Kim Samantha na po!" Sabi nung photographer. Kaya lumapit na ako dun.

"Ganda nun ah?"

"Saang class 'yan galing? Ganda, bes"

"Woah, astig. Si Daniel daw ang partner niya?"

-

Natapos na 'yung photoshoot at nagulat ako nang lapitan ako ni Daniel pero ningitian niya lang ako at nilagpasan niya ako.

Hala, kingina.

prank | danielWhere stories live. Discover now