"Nicka,halika dito"sabi ni papa,lumapit ako sa kanya
"Pili ka jan kung ano ang susuotin mo"sabi niya
"Okay po pa"sabi ko
"Nak gusto ko pag nagdebut ka gusto ko makita kitang maganda,kahit wala na ako gusto ko maganda ka pa rin ha"sabi niya
"Pa wag ka masyadong emosyonal jan"sabi ko at pumili na ako ng gown na susuotin ko sa debut ko,Siya pala si papa close na close kami niyan kahit ano gagawin niya para maging masaya ako mahal na mahal ko si papa.
"Oh ano na nak nakapili kana ba?"tanong niya
"Opo ito po"sabi ko at tinuro ko sa kanya ang napili ko
"Ang ganda naman nak bagay na bagay sayo"sabi niya
Nagorder na kami ng gown at kung ano ano para sa debut ko next week na kasi ang debut ko ito namang si papa excited na excited.
Mga ilang araw na ang lumipas.....
"Nak gising ka pa ba?"tanong ni papa
"Opo"sabi ko at tumabi si papa sa akin sa kama...
"Nak may regalo ako para sayo"sabi niya at binigay niya sa akin ang isang maliit na box.
"Ano po to pa?"tanong ko
"Para sa birthday mo yan pero baka di na ako umabot eh kaya ibibigay ko na ngayon bubuksan mo yan pag birthday mo na ha"sabi niya
"Pa Wag mong sabihin yan aabot ka pa sa birthday ko gusto ko ikaw ang unang sumayaw sa akin"sabi ko habang Patulo na yung luha ko
"Nak wag kang umiyak,mahal na mahal kita"sabi niya
"Mahal na mahal na mahal kita papa kulang pa tong pagmamahal para magantihan ko lahat ng ginawa mo"sabi ko
"Tulog kana nak darating na daw yung gown mo bukas"sabi ni papa at hinalikan niya yung noo ko at pinatay na yung ilaw sa kwarto ko.
Next Day
"gising na princessa ko"sabi ni papa
Nag unat na ako at umupo sa kama ko
"Maligo kana nak"sabi ni papa
"Opo"sabi ko at pumunta na ako sa cr
"Saan po tayo pupunta ngayon?"tanong ko
"Mamamasyal tayo nak kasi bukas na birthday mo"sabi ni papa habang nakangiti
"Tara na"sabi ni papa
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa cotse mga ilang minuto ang nakalipas.
"ano pong gagawin natin dito?"tanong ko
"Magdadate tayo nak"sabi ni papa haban nakangiti
Hinila ni papa yung upuan at umupo ako,umupo na rin si papa.
"Alam mo ba nak ito yung favorite place ng mama mo"sabi niya
"Andito kami palagi nagkwekwentuhan,nagtatawanan ang saya saya namin.Meron pa nga nung mga araw na mag hapon kami dito tapos nagalit yung mga magulang ng mama mo hahahaha,Ang saya balikan yung nakaraan nak,kamulhang kamukha mo mama mo nak namana mo yung kagandahan niya"sabi ni papa
"Ahh ganon po ba kung buhay pa si mama siguro masaya tayo ngayon,sayang po di ko nakita mukha ni mama"sabi ko
"Alam mo nak mahal na mahal ko yamg mama mo dahil sabay Kami gumawa ng kalokohan"sabi ni papa at tumawa kaming dalawa.Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan,nagtawanan sa mg kalokohan na ginawa ni papa at mama.Mga ilang minuto rin kaming nagkwentuhan ni papa.Iinom na sana ako ng tubig ng may biglang tumugtog at tumayo si papa.
