Chapter 1.

32 0 0
                                    

       "Maria Raven B. Santos!"

       First week of school palang at nagkakagulo na kami. Hinahabol ko si Rae habang isinisigaw ang pangalan niya. Kuhanan ba ng I.D. ang gusto niya? Pwes! Mas mabilis ako sa kanya!

      Hindi na alam ni Rae kung saan siya dadaan- nagsimula siya tumakbo isang segundo bgo ko siya mahabol. Binilisan ko ang takbo ko- grabe, mabilis din pala tong babae na 'to. Lumiko siya at sinubukan buksan ang pinto. Naka-lock.

      "Hindi ka na makakatakas." tumawa ako. "Akin na I.D. ko."

      "Ayaw." Ngumiti si Rae.

      "Hmph."

      "Haha, pikon." tumawa siya. "Ito na. Baka kung ano pa gawin mo."

      Tumutulo na ang pawis sa ulo ni Rae, hinihingal na din siya. Buhay na buhay ang kulay abo niyang mga mata, at may ngiti sa kanyang pulang labi.

      "Ayaw mo kunin?"

      "Eto na." Kinuha ko ang I.D. ko. Medyo nalungkot ako dahil hindi ko na siya kasama, siguro pupunta nanaman yun sa current 'boyfriend' niya. Naglabas ako ng buntong-hininga.

      Bahala na.

      Free period ulet- isa lang ang ibig sabihin niyan: tambay sa locker room!  Maingay ang main hallway ngayon, marami ding mga fourth year na walang teacher.  Kinawayan ako ni Kurt, isa sa mga kasama sa tropa ko. Si Kurt ay basketball player sa school, medyo sikat din siya, katulad ni Rae.

      "Dre, sinagot ka na ba ni Rae?" Tinanong niya pagkalapit ko.

      "Hindi pa eh.  Kilala mo naman yun."

       "Paasa lang yun!"

       "Hindi ah!"

      "May ipapakilala nga pala ako sayo."

      "Alam mo namang wala akong iba kung hindi siya."

      "Dre, wag cheesy." Sabi ni Kurt. "Wala naman akong sinabe na ligawan mo eh. Papakilala ko lang naman eh."

      "Sige, sige." ngumiti ako. "Siguro sa Sabado? May gagawin kasi ako sa Friday eh."

      "Okay lang yun. Sabihin ko na lang sa kanya."

      "Ano ba pangalan nun?"

      "Caitlyn."

      For the rest of the day, iniisip ko kung ano itsura ni Caitlyn; bakit ba gusto ipakilala sa akin ni Kurt yung Caitlyn na yun? Siguro may binabalak nanaman yung lalaking yun. 

      "Hoy, Jared."

      Tumalikod ako. "Ito naman oh, kung maka-hoy parang hindi magkaibigan."

      Nagtaas ng kilay si Rae. "FYI, hindi tayo magkaibigan. Magkaibigan lang."

      "Whatever you say, babe." Ngumiti ako.

      "Tigilan mo yan, ah." Sumimangot si Rae. "Hindi kita gusto."

      "Di nga?" Masaya pagtripan si Rae. 

      "Oo. Kahit ano pa man gawin mo." Ngumiti si  Rae. "Wala kang magagawa."

      'Tignan lang natin.'

Taken. (ON HOLD)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang