Chapter 4: Just A Dream

Magsimula sa umpisa
                                    

***********

Nakarating ako sa school mga 6:30 na, buti nakaabot pa ako!

Pero hindi ko parin maalis sa isip ko 'yung panaginip na 'yun, grabe. Sana kasi hindi nalang ako nagising! Echos, wag naman sana. Tsk, wrong timing naman kasi 'tong panaginip na 'to eh! Hindi pa man lang binuo. SAYANG TALAGA!

Oh diba, sa sobrang late ko, naabutan na ako ni Randel! Hindi naman kasi siya maagang pumapasok eh. Lagi akong nauuna sa aming dalawa, 'yun ang basehan ko kung late na ako o hindi!

"Dianne, naprint mo yung hw ko?" -Randel

YUN OH! Umagang-umaga, nakausap ko na agad si Randel. Sana mamaya ulit, kausapin pa niya ako! 

Ay, oo nga pala... nagpaprint lang siya kagabi sakin kaya niya ako kinausap.

"Oo naman. Teka lang ha."

Dapat marunong akong ipagkaiba ang panaginip sa totoong buhay. Iba yung Randel sa panaginip ko kanina, sa Randel na kausap ko ngayon. Si Charizze ang gusto niya, hindi ako. Si Charizze ang laman ng mga panaginip ni Randel, hindi ako!

"Ah sige. Salamat ha!"

Tapos ayun na, wala na. Lumakad na siyang palayo sakin.

Dream on, Dianne. Dream on.

Nakakainis talaga! Bakit ko pa kasi siya napanaginipan kaninang umaga? Lalo lang nito pinapalala yung nararamdaman ko para sa kanya eh.

Bakit ba gusto ng utak kong mahalin ko si Randel? Habang yung puso ko, lagi nalang pinapaalalang hindi kami pwede.

Ano ba yan, wala parin si Vince. Bakit parang na-late din yata gising nun? Huwag mong sabihing... napanaginipan n'ya rin si Randel kaya ganon. Hahaha, joke lang! Hay, makaupo na nga lang sa pila. 

"Close pala kayo ni Randel?"

Kalabit sa akin ng katabi ko...

"Ah! Hindi, wala 'yun! Nagpaprint lang."

Si Alora Mendoza pala 'yun. Ngayon ko lang siya nakausap. Hindi ko nga siya kilala nung 1st year o 2nd year ako eh. Parehas lang naman kasi kaming tahimik sa klase. Mukha naman siyang mabait eh.

"Eh diba ang kahit handwritten lang yung HW ok lang?"

"Oo nga. Siguro tinamad lang 'yun."

"Siguro crush ka nun."

"Nako! Hindi ah. Bakit naman?"

"Madali lang kaya yang hw, tas nagpagawa sayo? Baka nagpapansin lang."

Sabagay... may point siya.

Pero, hindi. Imposible parin 'yun! Alam ko kung paano nagpapansin si Randel eh. Narinig ko sa sabi-sabi, lagi daw niyang kinukulit si Charizze noon nung magkaklase pa sila.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon