Kabanata 24

78.1K 2.2K 755
                                    

There were times that I would think of resigning from my job

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

There were times that I would think of resigning from my job. But I could not because I was putting Lily into big consideration. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya at isa pa ay siguradong malulungkot siya kapag umalis ako lalo na ngayon na may pinagdaraanan siya. And besides, I also already had made friendship with Jed which I treasured a lot. Since Johann and Johanna, wala na akong iba pang naging kaibigan. He was so sweet and caring to me, at kung hindi ko lang talaga alam na bakla siya ay iisipin kong may lihim na pagtingin siya sa akin.

I chuckled at the thought and sighed, habang nangangalumbaba rito sa mesa sa cafeteria.

Speaking of him, tumaas ang kilay ko sa kaniya nang biglang hipuin niya ang noo ko.

“What are you doing?” I asked and swatted his hand away.

“May sakit ka ba? Para ka kasing timang na ngumingiti na mag-isa,” ani Jed.

Nirolyohan ko siya ng mga mata.

“Wala,” sabi ko na lang.

“You sure?” he asked and I nodded my head in reply. “Anyway, girl, I have a chika to you! Pero huwag kang masyadong kiligin, ha?”

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

“Bakit naman ako kikiligin?” tanong ko.

“Because this chika has something to do with you!” he replied, na mas nagpakunot naman ng noo ko.

May issue na naman ba ako?

Kailan ba nila ako titigilan?

“Anong tungkol sa akin?” tanong ko.

Tumawa nang tumawa si Jed na parang tanga habang tila ba may inaalala sa kaniyang isipan.

“Pagod lang ‘yan, Jed. Itulog mo na ‘yan! Ikaw itong parang timang, e!” sabi ko.

“Tse! Ganito kasi ‘yon. Noong nag-out ako sa shift ko kagabi ay nakita ko sina Dr. Allejo at ‘yong malanding nurse sa parking lot. That nurse said something foul to you and Dr. Allejo snapped really bad. And let me quote what he exactly said to her, “Say that thing once more and you will never enter this hospital again.” Tapos ayon, iniwan si girly na mag-isa sa parking lot. Narinig ko pa naman na may date daw sila, ang kaso ay hindi na natuloy pa. Deserved!” tawang-tawa na sabi niya. “That was so satisfying! Matagal na talaga kaming imbyerna ni Lily sa babae na ‘yon, e!”

I suddenly remembered what happened last night. ‘Yong sanang pag-out ko sa shift ko ay hindi ko ginawa. I decided to just stay in the hospital because going home would not help. Hindi rin naman ako makakatulog at makakapagpahinga dahil iisipin ko lang si Siegfrid at ‘yong nurse na girlfriend niya, kung nasaan na sila o kung ano na ba ang ginagawa nila.

Stuck in the Illusion Called Us [Siegfrid & Eleanour]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon