Simula

298K 4.2K 902
                                    

SimulaEleanour Ignacio

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simula
Eleanour Ignacio

I looked up and stared at the most fascinating structure I had ever seen my whole life. It had been a privilege to have worked here, the world’s one of the best hospital. 

Mula sa gusali ay lumipat ang tingin ko sa langit sa itaas nito. The sky was still picturesque perfect earlier but it was now slowly changing. The beautiful blue shade was beginning to darken into sandy gray. Mabigat din ang mga ulap na tila ba naghahanda na sa isang malakas na pagbuhos ng ulan.

Bumagsak ang mga balikat ko at mabilis na sinalo ng mga palad ang mga papatulong luha. Marahil ay marami ang magsasabi na ang tanga ko para bumitiw sa trabahong mayroon ako rito. But then, I wouldn’t blame them for thinking that way. May bahagi rin naman sa akin na nanghihinayang ngunit lamang pa rin sa puso ko ang nagsasabing tama lang ang naging desisyon ko. Kasi, kahit gaano pala kaganda o katayog kung saan naroroon ka ay aayawan at bababaan mo rin kapag hindi ka na masaya. At the end of the day, we would always choose the things that were making us happy, prefer places and people we felt we belonged.

And I did not feel like I belonged here anymore.

Huminga ako ng malalim at muling pinagmasdan ang malungkot na kalangitan. It seemed that the wide skies were also mourning with me. Para bang sumasabay sa bigat ng nararamdaman ko. Para bang pati ang mga ulap ay nauunawaan ang labis na hinagpis ng puso ko.

“Mama, aalis na po ako. Tulad ng gusto mo ay babalik na po ako sa Pilipinas,” bulong ko sa kawalan.

Napahawak ako sa dibdib nang magsikip ito. I still hadn’t moved on and I didn’t think I would ever move on. Ang pagkawala nila sa buhay ko ay dumudurog pa rin sa akin. I was scared. I felt very alone right now. Pakiramdam ko ay isa akong kuting na inabandona sa gitna ng napakalawak na daan sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.

Everything hurt. Every damn thing. My heart, my soul, and every fiber of my being hurt so bad right now.

“Mama, naririnig mo po ba ako? Magparamdam ka naman po sa akin!”

Parang baliw na natawa at naiyak ako nang sabay habang kinakausap ang sarili. And as if Mama heard my plea from above, biglang kumulog at kumidlat na sinundan ng isang malakas na pagbuhos ng ulan.

Mabilis akong sumilong. Bitbit ang luggage ay tinakbo ko ang gusaling kanina ay minamasdan ko lang. I saw people ran for covers, too, and umbrellas were opened as the clouds spat out its beads of water. At ang kaninang maliwanag na langit ay tuluyan na ngang nagdilim.

Tulad ng nararamdaman ko.

“Darling, here,” si Mike, ‘yong guwardiya ng ospital, sabay abot ng panyo sa akin.

Stuck in the Illusion Called Us [Siegfrid & Eleanour]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon