Chapter 17 》 The Truth

3.1K 80 2
                                    

(A/N: Sorry po talaga kung nababagalan kayo sa update. My reasons kung bakit bumagal ang pag-update ko: School, Social Media, Friends. Kaya po please lang, wag niyo po ako i-pressure dahil po mas-na-i-istress ako. Thank you for understanding. Word count: 819 words)

Saturday na ngayon. A.K.A physical subjects na ang re-reviewhin namin. And well, plano ko din na kausapin ngayon si Kuya about sa totoo kong nanay. Oh, and, pina-tulog kaming class 10-F sa guest building ng Veena. Ano pa ba yung wala sa Veena? Baka nga meron pa silang arcade eh. Wait.. hindi ba mi-nention sakin ni Tyler at ang mga kaibigan niya na pupinta daw sila sa sa arcade? Haaaays. Ang mga builders din nga pala, inaayos na ang Veena. Ang bilis nila gumawa! Ina-nounce ni Dean Emily na siguro daw mga after 5 days, magagawa na ulit ang dorms namin. Si Ate Faye naman, okay lang. Nag-tago siya sa butas na nahanap ko dati. Konti lang ang mga na-salvage na gamit namin. Sayang yung kwarto ko. Ang ganda pa naman. Kumonti naman ang mga gamit naming lahat sa class 10-F. Tapos yung mga clothes na nakuha namin, nilalabahan pa sa washroom.  Nakoooo. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin ng comfort room, at lumabas na. Dumeretso ako sa classroom namin, at nandun na silang lahat.

"Rosie! Umupo kana para ma-review na kita!" Sabi ni Kuya habang tumatakbo ulit ng pagka-bilis-bilis sa lahat ng upuan. Umupo na ako sa seat ko.

"Let's start!" Sabi niya at tumango ako ng motivated.

----

Habang break namin, naka-labas ang isang extra notebook ko. Okay, time to break it all down Roseate. Your father is Satan. Yes, he's a god, but he's a demon. Sabi din sayo ni Dean Emily na half-god half-demon ka diba? So common sense nalang, demon na agad ang Tatay mo. Nilagyan ko ng ekis ang salitang demon sa notebook ko. Edi.. god yung nanay ko? Pero anong klaseng god? Surely naman siguro may book about gods and goddesses yung library diba? Tumayo ako at pumunta sa library. Pag-dating ko doon, sinalubong na ako ng librarian.

"Class 10-F. Nevermind." Sabi niya sa sarili niya. Siguro plano niya akong tulungan kanina na tulungan ako. Pero nung nakita niya uniform ko, nalaman niya na class 10-F ako. Kala ko ba equal na lahat ng classes ngayon? Haaays.

Pumunta na ako agad sa isang shelf ng books na nakalagay 'Mythology'. Pero ang tanong, anong nationality ang nanay ko? Greek god ba? Native Filipino god? Hindi ko alam. Nag-skim ako at hinatak ko ang thick at pagka-bigat-bigat na libro, tas naka-sulat sa harap nito ay 'Greek Mythology'. Inihipan ko ang dust na bumabalot dito, bago ko siya binuksan. Hinanap ko sa table of contents ang kung ano ang makaka-tulong saakin, at nakita ko ang topic na 'Female Gods'. Agad komg binuksan ang libro papunta sa page na yon, at nag-skim ako. Ang dami nila, tapos ang gaganda pa. Nasa gilid ng pangalan ang picture ng greek goddess.

Aphrodite
Athena
Demeter
Hera
Hestia
Thea

At kung ano ano pa. Pero nakuha ang attention ko ng isang goddess. Meron siyang blue hair, at striking blue eyes. Parang saakin. Tinignan ko ang description.

Athena - Also goes by Minerva, Menrva, and Renee Ferreira, is the Goddess of strategic war, and wisdom.

Renee Ferreira? Hindi ba ayon yung statue sa hallway ng school? I ran my finger over her picture. Nag-basa pako ng konti.

Athena had an affair with Hades, also known as Lord Satan, or Mr. LeBlanc in other mythologies.

Had an affair with Hades? So.. I read some more.

They had a daughter, but for now, we will not state her name as opposed to the gods.

Great. Pano ko ma-ma-make sure kung ako ba talaga ang anak nila? Tapos biglang may idea na pumasok sa utak ko. Agad kong hinanap ang pangalan na 'Hades'.

Hades - Also goes by Lord Satan or Mr. LeBlanc, he is the god of the underworld. He has a child with Persephone, which is Aedan Leblanc. He has also had an affair with the alleged goddess of strategic war, and wisdom, Athena. They have a child, which we will not state the name as opposed to the gods.

Hades.. of course. This is me. This is definitely me. Nanay ko si.. Athena. Athena? Wow. Athena. I finally know the truth.

Ding!

Narinig kong nag-ring ang cellphone ko. Dali-dali ko itong nilabas, at nakita na may nag-text saakin.

Saoirse: Kanina pa kita hinahanap no Roseate Langdon? Where na u? Nag-start na ulit yung reviewing session natin. Baka nakalimutan mo na sa Monday na yung exams.

Me: Oo na! Papunta nako jan!

Sinarado ko ang cellphone ang sighed. How can we be sure to dominate the Top 50 spots?

Veena: Academy For Demons (UNDERGOING MAJOR EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن