Kabanata 5 - First Day Of School

5.1K 151 21
                                    

Word count: 1,562 words

Pronunciation check:
Aedan = Ey-dan
Caoimh = Queeva
Iowa = Ayowa
Cybeof = Say-be-yof
Naimh = Niv
Ulliel = Yu-li-yel

NANG makabalik na kami sa classroom, may teacher na nakatayo sa harapan. Sumisikat ang araw sa kanyang dalawang sungay, at mapapanganga ka sa tangkad niya. Dumapo ang singkit niyang mga mata saaming dalawa ni Bella, at parang nakaramdam ako ng literal na kuryente sa aking katawan. Tinignan ko si Bella, at muntikang lumuwa ang aking mata nang makita ko na naging kulay lila ang mata niya. Tumataas ang buhok niya sa iba't ibang direksiyon nang para bang na-kukuryente siya.

"B-Bella?"

Hindi nako nakapikit nung agad may lumabas na kidlat galing sa kamay niya, at nakatutok ito sa guro. With one swift motion, gumuhit ng linya ang guro sa hangin gamit ang kamay niya, at sumabay ang paglabas ng isang matalim na guhit ng hangin. Tinamaan nito ang kidlat ni Bella, at napunta ito sa isang gilid ng silid, kung saan nasunog ang lumang kahoy at nag-iwan pa ng marka. I turned my head back to Bella, pero normal na ulit ang itsura niya nang parang walang nangyari.

"I expected this kind of behavior from you lot, but honestly I was expecting more. Sit down, I will be introducing myself." Tila bang dumagundong ang boses niya sa buong silid dahil sa lalim nito.

Introduce himself? So bagong teacher lang siya? I can't help but feel the death glare Bella gave sa teacher habang papunta kami sa mga upuan namin. As I walked to find a chair,narinig ko ang tunog ng chalk sa board. I cursed to myself nang makita ko na isang upuan nalang sa likod yung vacant, yung sa tabi ni Karma. **** my life. I took a seat and I felt Karma's eyes follow mine.

"Hey." Bati niya habang naka-tukod ang kamay niya sa mesa ng upuan niya. I smiled at him in return, and took a seat.

"Right. My name is Sir Aedan, but you may call me by Aedan as well. Alam niyo naman siguro naI am your only teacher, and adviser. I look forward in teaching in this class." Sabi niya habang tinatanggal ang alikabok ng chalk sa kamay niya.

Nag-iisang teacher? I know exactly why. Based sa mga experiences ko so far, sa sobrang pangit ng reputation ng class 10-F, wala ring gustong teacher na humawak sa section na to.

BOOM!

Bigla nalang tumayo ang babaeng may pakpak na pang anghel sa harapan ng klase, at nagulat ako nang makita ko na umuusok ang bibig ng shotgun niya. I haven't seen her yet. Mukha siyang nililok mismo ng isang god, with her sculpted jaw down to her porcelain skin. Nang binaba niya ang hawak niyang baril, hinawi niya ang kanyang blonde na buhok at nakita ko ang masamang titig ng asul niyang mga mata kay Sir Aedan. My eyes flickered back kay Sir, at nakita ko na umuusok din ang blackboard sa likod niya, his head tilting in the perfect angle so he could dodge the spray of bullets from the gun.

"What is your name miss?" Tanong ni Sir.

"Caoimh Smith." Sagot niya.

"Well then Ms. Caoimh," We all waited kung ano yung sasbihin niya next. I wonder kung anong parusa ibibigay niya kay Caoimh.

"Do me a favor and aim better next time." He said. Caoimh scoffed at padabog siyang umupo. 

"Can I ask kung bakit bigla kayong naging homicidal maniacs at sinusubukang patayin yung teacher natin?" Pa-joke kong tanong kay Karma. He chuckled.

"You see, we're very lazy. Because of this, tinatakot namin ang mga bagong teachers into believing na papatayin namin sila, so they can resign. When you have no teacher, you're free to do whatever you want you know, learn on your own pace and everything too."

Veena: Academy For Demons (UNDERGOING MAJOR EDITING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें