Chapter 9 》 Learning Magic

4.4K 135 2
                                    

(A/N: Meron po akong semi-bad news. Hindi po ako masyadong makaka-pag udate this week dahil po upcoming and first monthly exams namin. Thank you for understanding po! Word count: 1,289 words)

"We will be learning about spells pagka-tapos nalang ng lesson na ito. For now, we will be learning about the elements, and discovering your forte among them. Copy my actions." Sabi ni Sir Aedan.

Naka-pila na kaming lahat. Naka-comfortable wear lang din kami. I have to impress Dean Emily and Dean Luna. It will be fine kung medyo na-fail ako sa harap ni Dean Emily, pero nararamdaman ko talaga yung galit kay Dean Luna sakin. Ano kayang ginawa ko, at kung magalit siya sakin walang bukas?

"Bending air is the easiest element to bend. All you gotta do is breath in,"

Lahat kami huminga ng malamim.

"And breath out in order to relax."

We breathed out.

"Close your eyes, and think about what makes you the most happiest. Now, just feel the air around you, and focus on trying to make the air around you lift."

Ginawa namin ang instructions ni Sir. I thought of Nanay, at nung hindi pa siya ganon mag-act towards sakin. I smiled. Ni-relax ko ang buong katawan ko, at nag-focus. Naramdaman ko na medyo mahangin sa gilid ko, and so dumilat ako. Namangha ako sa nakita ko. Around me was a small swirling bundle of wind, tapos may mga nasama pa na leaves. This.. this is my work? Gawa ko talaga to? Tumingin ako sa mga kaklase ko. Yung iba, nagagawa nila, pero yung iba, nahihirapan din. Dito mo pala malalaman na kung ano ang forte mo. Forte ko yung hangin? Si Saoirse, maliit lang ang swirl sa paligid niya, pero si Bella, ang lakas. Parang tornado na. Yung sakin naman, katatamtaman ang lakas, at kaya nadin mag-pa blow ng isang tao. Pero kay Bella talaga, parang kayang mag-blow ng isang baryo eh. Napansin ko na kasing lakas ng hangin ni Karma ang hangin ni Bella. Wow. Ang galing nilang dalawa.

"Okay, stop." And with that, nawala lahat ng hangin samin, at may whoosh na sobrang lakas, medyo na out-of-balance kaming lahat.

"Next is a a bit more difficult. Bending earth. You don't have to close your eyes, but you still have to relax, and focus. Hold out your hands, and think about being one with nature."

Lahat kami ay ginawa kung anong sinabi ni Sir.

"Now, try to pick a flower from the ground."

We did as were told. Again, yung iba naka-pitas lang ng petal, habang ang iba, naka pitas ng isang buong flower. Si Bella at Saoirse, naka-kuha ng isang buong flower na may kasamang konting lupa. Habang ako, Naka-kuha ako ng isang buong flower, at may nasama na medyo malaking parte ng lupa. Yung saktong kasya sa isang malaking box. Tinignan ko si Karma at.. NAKA-BUTAS SIYA NG ISANG BUONG CRATER NG LUPA?! He looked at me and smirked. Nilagay niya pa ang isa niyang kamay sa pocket niya. Challenging me huh? I got my hopes up. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya matatalo, pero I still wanna try.

"Enough. So far, all of you has done a great job. Put it back."

Lahat kami binalik ang mga napitas naming mga flower. Nag-bagsakan lahat, kaya dumagundong ng konti ang lupa.

"Next is a little hard. Fire."

Karma smirked. Depending from his hair, Fire is his forte. Definitely.

"I want all of you to forget happiness. All you have to think about now is anger, and hatred. And just focus on feeding that bloodlust. Tapos kapag uminit na ang balat niyo sa sobrang galit, I want you to take out that body heat onto the grass around you. Go."

A-Anger? Wala naman akong naiisip na source ng galit ko. Hindi ako yung klaseng tao na mahilig mag-tanim ng galit. I'm gonna have difficulty with fire. I've done good so far, pero hindi siya enough para ma-impress si Dean Luna. Think. Tinignan ko ang mga kaklase ko, at ang iba, nagiging red na ang katawan nila. Si Karma naman, nakaka-gawa na ng medyo malaki na fire circle sa gilid niya. Ugh. Think!

"My lady.."

Great.. not now.

"My lady.."

"You can do it milady! We believe in you!"

I know, I know.. shut up now i'm trying to focus.

"But milaaaaady,"

"Haven't you made up your mind yet na bumalik ka na samin dito?"

"We'll adore you,"

"And dress you,"

"And do everything you have to do."

Manahimik na kayo. Please.

"MILADY!"

"MAKE UP YOUR MIND!"

"HURRY!"

"SKIP THIS CRAP CAUSE WE NEED YOU HERE!"

"JUST GO-"

"I SAID SHUT UP!" Sigaw ko. Biglang nag-karon ng sobrang lakas na apoy, at kumalat ito sa lahat ng puno. Tinignan ko si Karma, at parehas din ang nangyayari sakanya. We both cause a forest fire. Medyo may-hint siya ng surprise, but he still put on his usual smirk face.

WHOOSH!

Biglang may malakas na impact ng tubig, at shi-nield namin ang sarili namin. Pero nung wala kaming naramdaman, napansin namin na si Dean Emily, nasa harap ng sobrang laking wave ng tubig. Bumalik na ito sa dagat.

"Be careful next time you wield fire, Mr. Reaper and Ms. Langdon." Sabi ni Dean Emilt and smiled. Mag-teleport ulit siya sa gilid ni Dean Luna.

"Alright. This is the hardest element to wield. Water."

Be in control Roseate. You can do this. Si Saoirse, napa ngiti. Chicken lang to kay Saoirse, she's a mermaid. And to all the other mermaid and merman types na kaklase ko.

"I want you to relax as much as possible. But think of being in the ocean, the coolness of the water, and the rough sand sa ilalim ng paa niyo."

Ever since bata pa ako, gustong gusto ko nag-si-swimming. Gustong gusto ko kapag bumibisita kami ni Nanay sa beach o kaya naman sa pool. Inisip ko ang mga times na yon. Ang sarap ng yakap ng tubig saakin. Ang lamig ng tubig. I smiled. Parang may connection ako sa tubig ever since pinanganak ako.

"Create a firm water ball. Gather all the energy you earned, at i-focus niyo yon sa tubig."

Si Saoirse at ibang mermaid at merman types, naka gawa ng sobrang laking water ball. Enough about the size of a pool ng isang luxury hotel. Si Karma, medyo paliitin mo lang ng konti compared to Saoirse's. Si Bella naman, hirap na hirap. I focused more. The pool.. the beach, yung ilog sa likod ng bahay namin.. I missed it all. I feel a force around me. I opened my eyes.

"R-Rose?" Tanong ni Saoirse

Lahat ng tubig ng mga kaklase ko, nasakin, at naka-palibot ng parang mga circles sakin. Bumababa siya up and down, like making a dance. I chuckled. Ang water, naging form ng isang horse.

"NEIGH!"

Tapos biglang naging pusa.

"Meow."

At kung ano-ano pang hayop.

"Rose.. ROSEATE!"

"W-What..?" Nawala ang tubig at bumalik ito sa dagat.

"That was.."

Speechless silang lahat. Namula ako.

Clap, clap, clap..

At lahat sila pumalakpak. Tumingin ako kay Karma. He smirked, pero he gave in and started clapping too. Is smirked.

"Full marks, Ms. Langdon." Sabi ni Sir Aedan.

Napangiti si Dean Emily, pero si Dean Luna. Medyo na-dissipate ang masama niyang tingin sakin. That's good.. I guess?

??? P.O.V

We looked down at the idiots below in this rat hole they call 'Veena'.

"Look at them.. rejoicing over the new Lady."

Sabi ko and I looked at him.

"It's adorable. Too bad that's gonna end soon enough."

I smirked. At lumipad na kami palayo.

Veena: Academy For Demons (UNDERGOING MAJOR EDITING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin