6 - Nasaan Na

21.6K 552 56
                                    

Chapter Six
Nasaan Na

Defend your heart by all means.

Isa pa ring palaisipan ito para sa akin. How can I defend my heart kung hindi ko nga alam kung nasaan ito? And if I'm not even sure kung mayroon ako nito? The hell.

Pagkauwi-uwi ko ng bahay ay sumalampak ako agad sa tambayan sa may hardin. Tinawag ko si Kierre para makapag-isip kami ng plano.

"Akala ko true love lang ang mahirap hanapin, pati pala ang puso mahirap din. Hindi naman natin pwede isangguni sa lahat ng lost and found yang nawawalang puso mo Mond diba? Mas lalo namang hindi tayo pwedeng magpagawa ng mga poster na 'Heart missing. Call this number for details. Reward: 20 million.' Baka paratangan naman tayong mga sinto-sinto nun. Grabe ano na kaya?"

Nababaliw na ako pag-iisip. Tama si Kierre, hindi namin pwedeng gawin ang mga kabaliwang tulad nun. Even the Time Throwback Spell can't answer my puzzlements. Kung pwede lang magpauso ng magic spells, ginawa ko na. Kahit Knowledge Charm man lang para alam ko na agad kung nasaang lupalop ang kahit anong gusto kong makita.

"Talagang lahat ng nawawala, mahirap hanapin. Tanggapin na natin yan Kierre."

"AHA!"

"Oh ano nanaman yan? Sana may sense ah." Baka kasi mamaya kabalahuraan lang sabihin nito, umasa lang ako.

"Ang Black Book ni Blaite! Baka makatulong!" natigilan ako pero bigla ring tumayo at tumungo sa silid para kuhanin ang libro.

"I've read this tons of times Kierre. History lang naman ito ni Blaite at ng Magique Fortress."

"Saka mga charms na ginamit niya. Na pagmamay-ari ni Blaite. Malay mo meron."

"It's just Blaite's Gemthell Sword in here. Pati description. Oh tignan mo pa."

"HALA!!!" langya naman 'tong mga reaksyon ni Kierre. Pambitin na, pangpakaba pa. Tss.

"LOOK! May punit na page dito!"

"What the.." ang naireact ko. Bakit ngayon ko lang napansing may nawawalang pahina dito.

Silence invaded the both of us. After composing myself, "Kierre, baka naman napunit mo lang yung page na 'to? Ilabas mo na!"

"Sira ka ba? Bakit ko naman pupunitin yan eh ni hindi mo nga pinahawak sakin yan noon eh." He has a point. But where the heck is that page?

"Ang sumbrero. Ang espada. Ang sumbrero. Ang espada. Mga Sobertel, mga Hemlak. Palubugin. Kailangang palubugin.."

"Kierre.. you heard that? Yung babae sa labas." Nasilayan ko sa gate ang isang babaeng naglalakad at nagsasalita mag-isa. Lumabas kami ni Kierre.

"Miss.. Miss." Pagtawag ko ngunit hindi ito lumilingon kaya't kami na ang lumapit. At sa unang kita ko pa lang, muka siyang wala sa katinuan. Gulo-gulo ang buhok, tulala, gusgusan, sira-sira ang damit, at walang suot sa paa.

"Miss, anong sinasabi mo kanina???" tumigil ito bigla sa paglalakad pero nakatulala pa rin, hindi tumitingin sa akin.

"Soverthell. Gemlack. Ang sumbrero. Ang espada. Lahat ng mahika. Ibaon. Ilubog. Hindi nararapat. Hindi naaayon. Hindi malinis ang budhi. Pabaya si Blaite. Mga lapastangan. Hindi nararapat. Hindi naaayon. Hindi malinis ang budhi." Nanlaki ang mga mata namin ni Kierre.

"HALA! MOND!"

THIS GIRL KNOWS SOMETHING!

Nagpatuloy siya paglalakad at paulit-ulit lang na binabanggit ang mga salitang iyon.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon