"Ayoko! Magdamit ka muna-Waahh!"

Ay, luka-lukang bata! Hilahin ba naman ang kumot?! Wala tuloy akong ibang pantakip sa katawan ko kundi iyong unan.

"Alex! Ibalik mo nga dito 'yang kumot!" sigaw ko sa kanya.

"No," nakangising sabi niya habang gumagapang sa kama papalapit sa akin. Wala pa rin siyang saplot sa katawan.

"Alex naman!" Napasigaw na naman ako kasi kinuha niya ang kaisa-isahang pantakip ko sa katawan.

"Na-ah," amused na sabi niya saka niyakap ako sa bewang. Ngayon, magkadikit na ang hubad naming mga katawan. "Don't be so shy about your body, Love. It's beautiful," bulong niya.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. Sobrang pula na ng mukha ko panigurado.

Tumawa naman siya ng mahina. "And here's my gift."

Doon na ako napalingon sa kanya. Noon ko lang napansin ang pulang rectangular na kahon na hawak niya. Siguro kinuha niya noong hindi ako nakatingin sa kanya. Binuksan niya iyon saka inilabas ang isang silver na kuwintas at ang pangalan namin ang nagsilbing pendant. Manipis lang ang chain ng kuwintas kaya kitang-kita ang mga pangalan namin. Pero hindi iyon ang nakapukaw ng atensyon ko. Kundi ang couple ring na nakapaloob doon.

"Wow," di ko napigilang ibulalas habang pinagmamasdan ko si Alex na kinukuha ang mga singsing mula sa chain ng kuwintas. Pansin kong walang ibang design iyong singsing kundi ang manipis na strip ng gold sa bawat gilid. But the way I see it, it's made of pure silver. Gold plated lang ang bawat tabi.

Kinuha ko ang isang pares at pinakatitigan iyon. Nanlaki naman ang mga mata ko pagkakita sa pangalan na naka-engrave sa loob. Nang tignan ko ang isa ay may ganoon din iyon. Kinuha naman niya iyon sa akin saka matamis na ngumiti.

"I've been thinking of giving you this yesterday. Kaso ayaw kang lubayan ng kapatid ko kaya hindi ko agad naibigay," sabi niya sabay tawa. Kinuha niya ang kanang kamay ko at isinuot sa palasing-singan ko ang singsing na may pangalan niya. Kapagkuwan ay mataman niyang pinagmasdan iyon. "The ring fits perfectly. Just like you perfectly fit inside my heart," she whispered while looking at me tenderly.

Nakangiting nakagat ko naman ang labi ko saka kinuha ang isa pang singsing na hawak niya. "And you, Alexandra Warren," I put the ring with my name on it on her ring finger, "You are the only one who tamed this strict professor who doesn't believe in love." Tumawa ako ng mahina. "At ikaw lang ang nag-iisang taong nakapagpagiba sa pader na nakapaligid sa puso ko."

"I'm honored," nakangiting sabi naman niya saka isinuot sa leeg ko ang kuwintas. "Nagmukhang magkapares ang bracelet ko at kuwintas mo. Baka isipin nila pinag-isipan natin ang regalo sa isa't isa," natatawang sabi niya.

Napatawa na rin ako. Oo nga, ano? May mga pangalan namin iyong bracelet na ibinigay ko sa kanya. Tapos may mga pangalan naman namin iyong kuwintas na ibinigay niya sa akin. Ganoon din ang mga singsing. This is really unexpected. Who would've thought we'd been thinking the same thing?

Napailing na lang ako sa isip ko. Is this a match made in heaven?

"Paano mo naman nalaman ang sukat ng daliri ko?" kunot ang noong tanong ko sa kanya.

Nagkibit naman siya ng balikat saka kinuha ang kumot saka itinalukbong iyon sa amin. "I've been searching in your room. Kaso wala akong makita kaya palihim ko na lang na sinukatan ang daliri mo," sagot niya. Maya-maya pa ay kumunot ang noo niya. "Pansin ko lang, wala kang ibang jewelries bukod sa ilang pares ng pearl earrings. Hindi ka ba binibigyan ng ex mo?" tanong niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Si Lance?"

Umirap naman siya. "Whatever his name is," labas sa ilong na sagot niya.

Napatawa naman ako saka kinurot siya sa pisngi. "Do you really want to know?"

"It depends if you're going to answer it."

Kinurot ko naman siya sa ilong. "Magaling! Playing safe!" Napailing ako. "Iisa lang naman ang ibinigay niya sa akin. If I remember it right, anklet ang binigay niya. Pero sa huli isinauli ko sa kanya," sagot ko habang pinaglalaro ang mga daliri namin.

"Bakit naman?"

"Because an anklet means slavery. And I don't want to be his slave so I gave it back."

"Oh. I didn't know that."

Nginitian ko naman siya. "Now, you do."

"Mabuti na lang pala hindi iyon ang pinagawa ko. Maibabalik din pala sa akin kapag nagkataon," natatawang sabi niya. Kapagkuwan ay itinaas niya ang kamay ko hanggang sa ibabaw ng ulo ko. "But I'm willing to be your slave," maya-maya'y bulong niya.

Tinampal ko naman siya sa noo. "Kalokohan mo," sabi ko naman saka iniyakap sa leeg niya ang isa kong braso.

Mga ilang minuto lang kaming tahimik habang nakatingin sa isa't isa. But the silence is comfortable. Hindi kagaya noon na naiilang ako kapag magkasama kami. Ngayon, panatag na ako tuwing kasama siya.

"Tapos na ba kayo?"

Pareho kaming napalingon ni Alex sa nagsalita. Halos itago ko naman ang sarili ko sa ilalim ng kumot nang makilala ko kung sino ang nakatayo sa bukas na pinto.

"What are you guys doing here?" narinig kong tanong ni Alex.

"Madaya kayo. Tumakas kayo kahapon. Hindi pa nga kami nakakapag-bonding ng future sister-in-law ko," si Alexis.

"Tsaka nakaplano na rin naman ang pagpunta namin dito. Hindi lang puwede kahapon kasi dumating ang mga magulang namin," si Crimson.

"Ano ito? Akala ko ba manliligaw ka pa lang? Aba'y nag-honeymoon na agad kayo?" si Alice.

"Naunahan pa nga ako ng loko," si Clover.

Yep. Kumpleto ang gang ni Alex. And they caught us naked underneath this sheets. Magaling! May mas nakakahiya pa kayang mangyayari sa araw na ito?

"Alexis? Nandiyan ba ang ate mo—Oh, my God! Alexandra Warren!" si Tita Alvira, mommy ni Alex.

"Oh, boy! Binata na ang anak ko!" si Tito Edgardo, daddy ni Alex.

Ugh! Ayoko na! Sana bumuka na lang itong kama at lamunin ako ng buo. Buong pamilya na niya ang nakakita sa posisyon namin ni Alex. Nakakahiya!

———————————————

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now