Napalingon ako sa kanya nang binuksan niya ang pinto ng mas malapad, as if welcoming me to come in. Nangatog ang binti ko at dahan dahang pumasok sa opisina niya. Sa simpleng pagbukas ng pintong ‘yon ay bigla akong nabuhayan ng loob. I’m already one step closer from believing that he really loved me. Na kahit sa kabila ng galit niya ay minahal niya parin ako. Na kahit ganito ako ay mahalaga ako.

“Just make it quick, may meeting pa ako kasama sina Mommy.”

 

Parang may kung anong kumain sa sistema ko nang banggitin niya ang kanyang Mommy.

“A-alam ba ng Mommy mo?”

 

Kumalabog ang puso ko nang tingnan ako ni Nate ng masama.

“No, why? Do you want me to tell her?”

 

Marahan akong umiling. Sapat na sa’kin yung mga masasakit na salita mula sa’yo, Nate. Sobra sobra na nga ‘yon. Gusto ko mang sabihin yun sa kanya ay hindi ko magawa. I know it’s too much to take in at wala ako sa lugar para humingi rin ng ganoong pabor.

Bumuntong hininga ako nang kinain na kami ng katahimikan. Sumulyap ako kay Nate na nakapikit ang mga mata habang nakasandal sa upoan niya. He’s really that feature that can make a woman swoon. Sa simpleng pag-iigting ng bagang niya, napapaluhod na niya ang iba. Pakiramdam ko nga nandito ako ngayon sa harap niya bilang isang estudyante na may malaking kasalanan sa school at pilit dinidisplina ng isang Presidente.

Nate is very intimidating. Makita mo lang kumunot ang mga noo niya ay parang gusto mo ng tumakbo palayo sa kanya. Aside from being intimidating, he’s somewhat scary. Pero kahit ganyan siya, nakikita ko parin ang isang taong may magandang katangian. Totoo nga ang sabi ni Mama sa’kin dati, nang minsan ay pinagalitan ako ni Papa, na kahit gaano pa kasama ang isang tao, may tinatago itong magandang ugali sa kaloob looban nila.

“I don’t have all day, Kareeza.”

 

Halos mapatalon ako sa biglaang pagsasalita ni Nate. Akala ko tulog na siya. Alam kaya niyang nakatingin lang ako sa kanya? Kinagat ko ang labi ko at bumuntong hininga habang bumebwelo sa mga bagay na sasabihin ko.

“I miss you calling me babe.”

 

Parang biniyak ang puso ko nang sabihin ko ‘yon. Hindi ko alam kung bakit ganon ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko pag hindi ko magustohan ang magiging sagot nito. I cherish every Nate’s words. Masyado itong mahalaga sa’kin na parang malulumpo ako oras na may sabihin siyang hindi maganda sa’kin.

“Bakit? What are we anyway?”

 

Bumilis ang paghinga ko at bumuga ng iilang hangin mula sa bibig ko. Parang anytime magbe-breakdown na ako. Ang talas ng mga sinabi niya na para bang kaya akong hiwain nito.

Mariin akong pumikit at mabilis na inabot ang kamay niya. Nakita ko siyang nagmulat ng mata at halata itong nagulat sa ginawa ko.

“N-nate? M-minahal mo naman ako diba?”

 

I don’t why am I doing this. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa sobrang pananakit ko sa sarili ko. Either way, I’d rather choose being hurt than living with all these questions.

“M-mahalaga naman ako diba?” Nabasag ang boses ko. Wala na. Alam na niya na nasasaktan ako.

Tumulo ang luha ko nang tanggalin ni Nate ang kamay niya mula sa’kin. Tumingin ako sa kanya, hindi siya nakatingin sa’kin. Ganon ba ako kahirap tingnan? Did I really break his heart that much? Masyado ba talagang malaki ang nagawa kong pinsala noon?

Tumingala ako nang nagbabadya na naman ang mga luha sa mga mata ko. Kinapa ko ang bulsa ko para maghanap ng panyo. Napamura nalang ako ng wala akong makapa sa bulsa. Naman! Ngayon pa talaga ako nakalimot.

“Here.”

 

Nanginig ang labi ko nang inabotan ako ni Nate ng panyo. Can’t you wipe it for me, Nate? Please? Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang ay ikaw ang magpunas ng mga luha ko? Baka kase mawala ang sakit na kumakain sa dibdib ko pag ikaw ang magpunas nito.

Hindi ko tinanggap ang panyo na binigay, instead, I stood myself up at pumunta sa tapat ng kinauupoan niya. Pumantay ako sa kanya at marahang pinaharap ang mukha niya sa’kin.

“N-nate, sabihin mo sa’kin, mahal mo naman ako, diba? M-mahalaga ako sa’yo, diba? I am worth to fight, hindi ba? P-please sabihin mo, N-nate. May aayosin pa ba ako sa sarili ko? T-tell me.” Napayuko ako sa mga sinabi ko. Hindi ko akalain na kaya ko pang magpakababa ng ganito.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

“N-nate, alam mo bang hindi na ako masyadong nagmumura? I am becoming a better person for y-you. M-minsan pa nga pinipitik ko ang labi ko pag di ko maiwasan eh.” Tumawa ako ng hilaw. Basag na basag na talaga ako. Hindi ko alam na kayang ko pang maging mas basag kumpara noon.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Napaatras pa ako ng kaunti.

“K-kareeza, ginamit lang kita. ‘Yon lang yun, tanggapin mo na.”

 

Aalis sana siya sa harapan ko pero pinigilan ko ito. I grabbed his waist, pulled him closer for a hug. Nakaluhod na ako sa harap niya. Ramdam kong natigilan siya sa ginawa ko. Ilang beses akong umiling. Napahikbi narin ako ng malakas.

“I-I don’t believe you! M-mahal mo ‘ko eh. S-sinabi mo yan noon, diba? D-diba?”

 

Napahagulhol na ako sa harap niya. Nakayakap parin ako sa bewang niya habang nakaluhod. Kaya kong magpakababa ng sobra para sa kanya, kaya kong maging mas mababa pa doon, tanggapin lang niya ako. Tanggapin lang niya ulit ako.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now