Chapter 1: Third Time's The Charm?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah basta, kakayanin natin yan."

Ganito talaga kami ni Vince. Lagi nalang. Lagi nalang din nagtatapos at napupunta sa mga ganyang usapin. Nagkakasundo naman kami, kaya talagang ganyan lang kaming magbespren.

CRRRRRRRRRING!

Nagbell na! Ibig sabihin nun, kailangan na naming pumunta sa pila para umakyat sa mga first class namin. Pero since first day, 2-hour session kami with our advisers.

Habang paakyat kami, magkasabay parin kami ni Vince. Sa sobrang close nga namin, nagmumuka na kaming magsyota. Sus, pero hindi. Solid best friends lang kami nito.

"Sino kaya adviser naten?"

"Aba, malay ko! Malapit nalang din, kaya hintayin mo nalang."

SOBRANG DALDAL NIYA, swear. Mas madaldal pa siya sakin talaga. Nagulat nga ako kung bakit kami nagkakasundo, eh magkabaliktad kami. Siguro nga dahil siya yung nagpapa-ingay sakin. Maingay lang naman kasi ako pag kasama ko mga kaclose ko... pero kung hindi, alam niyo na yun.

Sana naman mababait yung mga bago kong kaklase. MUKHA naman silang mababait at tahimik eh. Sana magkasundo-sundo kami.

"Ano ba yan! Bakit pa kasi sa fourth floor room nun."

"Anong room number ba?"

"415 daw eh"

"Teka... Chemistry lab 'yun ha?"

"Chemistry teacher adviser natin?! HALA."

Nako naman oh. Sana maayos 'to magturo... natatakot ako sa Chem. Mukhang mahirap eh. Tapos nung first year ako, yan yung lowest quarter ko sa card! Nung tinuro yang Chem na yan. May math pa dun! Ano ba yaaaaan. Pwede bang wala nalang Chem?

Konting hakbang nalang nasa may Chem lab na kami. Pano kaya yun, pag nag-perio kami, dun kami sa lab? Di bale, ok lang yun. Mas madaling mag-"alam mo na". Hahaha!

"Please fall in line."

Ang landi naman ng teacher na 'yun, pinapa-fall in line pa kami? Echos. Sino ba 'to? Nakikita ko na 'to dati sa school eh, pero di ko siya kilala.

"Dianne! Si Mrs. Nunez yun." -Vince

"Ok ba sya?"

"Ewan ko. Masungit yata 'yun eh."

Ayun, nakapila parin kami sa labas ng room niya. Ang tahimik palang talaga yung section namin. Si Vince pa nga lang yung naglakas-loob na magsalita nung oras na 'yun eh. Di bale, kaya niya 'yun, sanay na siya dun.

"Ok III - Calvin. You may come in now."

Calvin nga pala yung section namin... second section DAW ng batch. Ewan ba. Basta, wala akong balak mapuntang Burbank kaya ok lang sakin sa Calvin.

Natatakot ako sa adviser namin. Parang ang taray ng dating niya eh, english speaking pa. Tsk. Sana nalang matino 'to magturo, ayokong masira yung grades ko sa card. Lalo na dahil major subject ang Chem!

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon