CHAPTER 7

2.8K 87 9
                                    

Gusto kong ibaling ang buong atensyon at lakas ko sa aking plate pero sumasagi at sumasagi parin sa isipan ko si JD

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gusto kong ibaling ang buong atensyon at lakas ko sa aking plate pero sumasagi at sumasagi parin sa isipan ko si JD.

Epekto ba ito ng pangungulila ko kay Sean? Na kailangan ko lang ng atensyon o ng pagbabalingan ng emotions ko?

Maybe that's it. I settled with that reason.

Panay ang aking buntong-hininga habang binubuksan ang laptop ni JD. Hindi ko nga lang ito magamit dahil kailangan ng password!

 Hindi ko nga lang ito magamit dahil kailangan ng password!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tuloy, napilitan akong tawagan siya. Naka-ilang attempt din ako bago siya sumagot. AH, baka busy.

"Sino 'to?" sabi niya agad nang sumagot na siya. Napangiwi ako. Hindi niya sinave ang number ko?

"Rachel.'Yung pinagpahiraman mo ng laptop na may password."

"Rachel," sabi niya.

"Oo nga, si Rachel 'to. Your password, please?" ulit ko.

"Sinabi ko na nga. Rachel. That's my password," seryosong sabi niya.

Hindi ako nakasagot. As in my name? None the less, I tried typing my name at 'Password Incorrect' ang lumabas. He was playing with me! Narinig ko ang malakas na halakhak niya sa kabilang linya.

"Meerana ang password. M-E-E-R-A-N-A. All caps. Bye." Ibinaba niya agad ang tawag.

He had me there. Pero paano kung talagang Rachel ang password niya? Paano ako magrereact kung sakali? Tsk, hindi lang din naman siguro ako ang Rachel na kilala niya.

Nang mabuksan ko ang laptop niya ay napansin ko agad ang mga game icons. Marami ring folders na puro titles ng libro ang laman. I was tempted to open his photo gallery but I stopped myself. That's just wrong.

After hours more, isa-isa ko nang natapos ang mga dapat kong tapusin. Hindi ko nga namalayan na nag-text pala si Sean.

'Happy monthsary, pumpkin. I miss and love you.' He said. Pasado alas dos na ng umaga pero nagreply parin ako. Maya-maya ay tumatawag na si Sean.

"Bakit gising ka pa?" sabay naming sabi. Pareho kaming natawa. Then, we talked about our day. Nakakagaan ng loob na marinig ulit ang boses niya. Kasama niya ang mga magulang niya doon kaya at least, hindi siya masyadong lonely.

"Hey, I got something prepared pero nadelay dahil sa bagyo. Malakas ba ang ulan diyan? Ang sabi sa balita, baka bukas ay nandiyan na ang bagyo," iba niya ng usapan.

"Bandang alas onse yata nang magsimulang bumuhos ang ulan. Sana nga hindi lumakas. Something prepared?"

Humiga ako sa kama at nag-headset para mas komportable ko siyang makausap. Masyado na rin kasing pagod ang kamay ko para hawakan ang phone.

"It's a surprise, pumkin. Uhm, hey..."

He paused for a while.

"Sorry dahil hindi kita naabutan sa Skype kanina. When I logged in, you were already offline. Ang hirap pala ng college ano? Lalo na at malayo ka pa sa akin. Please bear with me, okay?"

There's something in his voice that worried me. Also, I felt guilty. Kanina lang ay puro si JD ang nasa isipan ko.

"I'm with you, Sean. Minsan nga iniisip ko na nagkamali ako ng piniling kurso. Ah, nasira pala ulit ang laptop ko—" Napahinto ako. Sasabihin ko ba na pumunta ako sa unit ni JD?

"Ouch. May Skype naman sa phone. We'll try that. Pero baka mapadalang ang online ko. Ipapapalit kasi namin ang internet dito sa bahay. Our current one is too slow. Texts and calls na lang?"

"Okay. I...miss you, Sean." I bit my lower lip. Para sa akin ay awkward pa rin minsan na nagsasabi ako ng ganito sa kanya.

"I miss you more, pumpkin. By the way, kapag nahihirapan ka sa studies mo, you can always ask JD for help. Matalino 'yun, kahit wala sa itsura."

"Ah, oo."

"Shoot. Sobrang late na pala. Get some sleep. I love you and good night. Happy monthsary!" masayang pahayag niya.

"I love you too, Sean. Good night and I miss you so much."

His chuckle was the last thing I heard before the call ended. Again, I felt guilty. Wala namang nangyari sa amin ni JD pero bakit hindi ko mabanggit-banggit kay Sean na pumunta ako sa unit ni JD?

Nahirapan tuloy akong makatulog. Lalo akong naguguluhan ngayong nakausap ko na si Sean. It just feels off. And yes, I'm more bothered about JD. More than I think I should.

---

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon