Imagination #13

1K 33 4
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Imagination #13


Babala: Imahinasyon lamang. Huwag isali sa kabuuan ng mga tunay na pangyayari. 


Heto na naman tayo at nilikot ako ng imahinasyon ko. Haha, ano bang iisipin nating mangyayari?

Ah, based natin sa last chapter.

So... ayun na nga, nagkatinginan kami sa hallway. Tapos...

...he just holds my stare.

Para bang hirap na hirap siyang alisin ang mga mata niya sa'kin.

Nang makalagpas siya biglaan na lang ako nag-collapse sa malapit na upuan. Shit, did that just really happen?

Omg.

Puso ko.

"Ehem."

The sudden voice startles me. Napahawak ako dibdib ko.

"Sorry," sabi niya. "Nagulat ka ba?"

"Uhm, you just made my heart skip a beat pero okay lang."

Biglaan naman siyang natawa.

Oh gosh, Ivo. Ano bang mayroon sa ngiti mo? 😍😍 Nakakalamon eh.

"Wala ka bang class?" tanong ko sa kaniya.

"Mayroon."

"Oh ba't hindi ka pa gumagalaw?"

"Hindi ko din alam eh," he grins. "Lakad tayo?"

"Saan?"

"Hatid mo ko sa room."

"Bakit ako maghahatid?"

"Ayaw mo ba ko makausap?"

"Wow, ang hangin ah!" sabi ko at nagpaypay. "Hindi na pala mainit, malamig na."

He smiles. "Sige na."

Jusko, Ivo. Ngitian mo lang ako pwede na kong magpalibing. Charot. Papakasal pa tayo di ba? Lol. Haha. 

Edi binuhat ko na ang bag ko at alangang tumabi sa kaniya sa paglalakad. Ang weird. Sure ba siyang okay lang sa kaniya na makitang naglalakad ako sa tabi niya? Ako nahihiya para sa kaniya eh.

"Anong program mo ulit?" tanong niya.

"Ah, Bio."

"Physics," sabi niya. 

Alam ko. 

"Ay oh, talaga?!" parang gulat kong tanong. Syempre para hindi halata na medj stalker tayo.

Pero shit, kung minamalas ka nga naman talaga oo. Ano naaa. Nandito si Ms. Psych. Like shit. Paglikong-pagliko namin ni hallway. What the fuck!!!

"So anong grade mo sa Hist?" tanong niya.

"Huh?" paglipat ko ng tingin sa kaniya dahil ang sama ng tingin ni Ms. Psych sa'kin pakiramdam ko ibabaon na niya ko sa lupa. Magkasalubong ang dalawang maganda niyang kilay. 

"Anong grade mo sa Hist?"

"1.75. Ikaw?"

"Same."

"Wow," sagot ko.

"Oh bakit?"

"Ilang beses kang hindi pumasok, nag-cut ka din. Supposedly F.A. ka na. Tapos hindi ka inabot ng reporting... how come same tayo ng grade?" pabiro kong sabi.

Then he gives me this funny look. "You're keeping tabs on me."

"Ha?"

"Alam mong F.A. na dapat ako. Nakailang absent ba ko?" he chuckles.

"Uhm."

Hindi na ko nakasagot. Alam kong namula na agad ang mga pisngi ko.

"Tara?" he asks.

"Ha? Saan? Akala ko ba may class ka?"

"Nagc-cut nga ako eh 'di ba?" he smiles. "Boring ng topic eh. Mas interested ako sa'yo."

Napairap naman ako sa pickup line niyang pang basurahan. Pasalamat ka gwapo ka.

Sumunod ako sa paglalakad sa kaniya. "Saan mo ba gusto?"

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon