“Dude, stop staring at my girlfriend.”

Inalis ni Arron ang tingin niya sa akin. “Why? Is she yours?”

Dominic snarled. “Of course she’s mine.”

Arron frowned. “Really? For how long?”

“Arron!” I scolded and it made him chuckle.

“I’m kidding, kitten.” at pagkatapos niya sabihin iyon ay biglang nawala ang tension sa mukha niya. Tumingin ulit siya kay Dominic pero magaan na ito at hindi na rin siya nakangisi katulad ng kanina. He clapped his shoulder before leaving and I was able to breathe properly when he finally did.

Tinanggal ni Dominic ang pagkakakapit niya sa bewang ko pero hindi siya umalis sa pwesto niya. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso sa mata dahil natatakot ako na makita na disappointed siya sa akin. Kahit hindi ko pa sigurado ay alam ko na galit siya. He may love me at pero hindi pa rin niya naiiwasan na magalit sa akin. Hindi niya lang talaga ako matitiis. And now, I’m wondering kung hanggang kailan niya ako hindi matitiis sa tuwing may ginawa akong kasalanan sa kanya? Should I wish that it would be now or should I wish he would never get tired of me?

“Hindi mo man lang ba ako titingnan?”

Umiling-iling ako pero nakatingin pa rin ako sa sahig.

“Hindi mo ba sasabihin kung anong ginagawa ni Arron sa table at bakit ka niya kinausap?” I hate lying to Dominic. Pero kailangan ko. Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya. I wanna flinch at his dark glare but I managed to act like I was unaffected.

“Dominic, may sinabi lang sa akin si Arron tungkol sa lesson. Stop fussing about it.” a white lie, but a lie nevertheless.

He frowned. “Allie, the last time Arron became our topic, sinabi ng kaibigan ko na nakasama mo siya sa race na hindi mo man lang naisipan banggitin sa akin. How should I stop fussing about it?!”

Medyo lumakas ang boses niya kaya naging conscious ako bigla sa paligid namin. Iilan lang naman ang nakatingin at yung iba ay pasimple pa. Merong nag-iwas ng tingin ng inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng cafeteria.

“Don’t make a scene, please. I’m hungry, hindi ba pwedeng kumain na lang muna tayo?” restless na tanong ko dito pero hindi lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Dominic.

He didn’t say a thing and I was feeling a little dizzy. Siguro ay dahil sa gutom kaya umupo na lang ako at itinukod ang dalawang siko ko sa lamesa. I covered my face with my hands and took shallow breaths. “He even called you kitten.” Dominic added.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Where stories live. Discover now