Huminga ako ng malalim. Panigurado akong hindi ito aalis at hindi matatahimik hanggat hindi nakukuha ang tunay na pakay niya. Because that’s Arron. Hindi pa ba ako nasanay?

“Fine. What is it?”

Inalis ni Arron ang tingin sa akin at unti-unting may lumabas na ngisi sa mga labi niya. I stared at him hanggang sa dumating sa punto na hindi niya na ito napigilan and it turned into a wide grin.

“Lesson Number Two: Building Suspicions.”

Pagkatapos magsalita ni Arron ay biglang may tumawag sa pangalan ko. “Allie?” napatalon pa nga ako at mabilis na lumingon. My eyes widened when I saw Dominic standing near our table. Nasa likuran ko na pala siya, hindi ko lang napansin dahil masyado akong naka-focus kay Arron.

Shit. Bigla akong namutla at nilunod ng kaba.

Wala naman kaming ginagawang masama ni Arron. Other than plotting schemes to break up with Dominic–wala naman ng ibang unfaithfulness na nagaganap pero bakit kinakabahan pa rin ako? We were just talking but guilt was killing me inside.

“Dom!” I stood up to hug him and give him a kiss on the cheek. Ipinulupot niya agad ang braso ko at hinatak ako sa gilid niya pagkatapos ko siyang halikan. Hindi niya inaalis ang tingin niya kay Arron. His confused expression was gone at napalitan ito ng galit. His jaws were defined and this is a look that I’ve never seen on him before. The person beside me didn’t look anything like Dominic.

“Valencia, am I right?” Dominic was the first one to talk.

Inilipat ko ang tingin ko kay Arron na nakikipagtitigan ngayon kay Dominic. A sly smirk formed on his lips. Hindi rin siya natinag sa pagkakaupo niya. In fact, mas nagmukha siyang komportable sa pagkakaupo niya ngayon.

“Chua.”

“Pwede ko bang itanong kung bakit kasama mo ang girlfriend ko?” Dominic asked and my stomach twisted.

“Dom…” I whispered. Kumapit pa ako sa braso niya at pinisil ito pero hindi niya ako pinansin. Arron looked at me though. Napasimangot siya sa reaksyon ko pero mabilis niya itong pinalitan ng kanyang nakakabugnot na ngisi.

“Why don’t you tell me why you think I’m with her?”

“Arron, please.” binigyan ko siya ng makahulugang tingin. Arron removed his look from Dominic and stared at me instead. Matagal niya akong tinitigan hanggang sa nailang ako sa pagtingin niya. Humigpit ang hawak ni Dominic sa bewang ko.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon