Nagsipagtanguan na lang kami sa sinabi ni Dave.


"So paano?" Eid.


"Anong paano?" ako.


"Siguro naman titigilan mo na yang pagiging stalker mo."


"Hindi nga ako stalker." kulit din nitong Hitler na 'to.


"Gusto mo lang naman malaman kung bakit ganun ang attitude nya diba? Hayan. Batid mo na ngayon, tantanan mo na sya." Dave.


"Ewan. Bahala na."


"Naku. Masama na yan." Stan.


"Type mo ano?" Alex.


"ANO??!!"


"Tinamaan ka ano? Umamin ka." Stan.


"Kayo ang tatamaan sakin kapag di pa kayo tumigil. Tara na, practice na."


"Tingnan lang natin kung hanggang kailan ka makakapag-deny." Alex.


"Bahala nga kayo." tinalikuran ko na sila at nagwarm-up na.


---End of Flashback---




Napako ang paningin ko sa arm chair ni Kristen. 

Papasok kaya sya ngayon? Malamang na hindi, 3 to 4 days ang advise ng doctor na dapat ipagpahinga nya.


"Hoy bugoy! Baka matunaw na yang arm chair ng honey mo." kantyaw ni Alex. 


SInisimulan na naman ako ng bugoy na 'to. Magmula nang tanggihan ko na itigil ang pagiging 'stalker' ko daw ni Kristen, nakagawian na nila akong tuksuhin sa kanya.


"Ewan ko sa'yo, abala! Nagrereview yung tao." sabay buklat ko ng reviewer. 


Nagkataon na ang page na nabuklat ko ay may naka-note sa bandang ibaba ng papel. 


It says "Learn from the heart... ~Kristen". 

Tama sya, dapat isapuso natin lahat ng napag-aaralan natin. Tulad din ng pagsayaw yan, mas madali mong matututunan at maeexecute nang maayos kung mamahalin mo at may passion ka sa ginagawa mo. 


WTF! Ano ba 'tong sinasabi ko? Bumabaduy na yata ako.


"Good morning class."


"Good morning maam."


"Miss Yang will not be able to come today, nagpapagaling pa sya according to her mom so if you have questions regarding the reviewer paki-check nyo muna sa mga books at pagbalik nya she'll clarify na lang okay. You have three weeks para makapagreview, and on the following week, Monday and Tuesday, that'll be your exam days. Don't worry kasi kapag naipasa nyo kaagad, you have the rest of the week to enjoy. So good luck class. For sure naman makakapasa kayo, proven effective ang mga reviewers  courtesy of your savior."


SAVIOR. She's tagged as our savior. Most of the people around thinks she's okay not knowing that she herself is going thru a battle, and that she also needs someone to save her, to help her. 


---Flashback---

"Ah... Mr. Jung." Pasakay na ako ng kotse ko nang tawagin akong muli ng mommy ni Kristen.


"Zac na lang po Mrs. Yang." ako.


"If that's the case, call me Tita Kathy."


"Yes po, tita."


"Alam mo bang natutuwa sa'yo ang anak ko?"


"Po?" Nabingi yata ako. Tama ba ang narinig ko? Natutuwa daw sa akin si Kristen? 


"Naikwento ka nya sakin before, magdedebut ka daw sa Korea kasama ang grupo mo."


        "Ah.. Opo." alam pala ni Kristen yun, himala yata, dati nga kahit pangalan ko hindi nya alam eh.


         "Noon lang sya ulit nagkwento sa akin at nagkainteres sa ibang tao. Sana hindi ka magsawang kilalanin ang anak ko. Alam kong matutulungan mo sya. Make her happy."


---End of Flashback---



I made up mind. I'll help her. I'll be her savior.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now