Halos isa't kalahating oras na akong naghahanap nang bumuhos ang malakas na ulan.

BADTRIP! ASAN KA BA KRISTEN?! 

Naalala ko ang mga envelopes na itinapon nung maid, mababasa yun sa ulan, lalong itong ikakalungkot ni Kristen.

Bumalik kaagad ako sa bahay ng mga Hwang at doon, doon ko sya nakita. 

Nakatayo sya sa labas ng gate, sa ilalim ng ulan, at may kausap na babae na pinapayungan ng maid. Hinawakan nya yung babae sa braso at nagmamakaawa, umiiyak na naman sya. Pero tinulak lang sya ng babae, napaupo sya sa kalsada at pinagsarahan na ng gate. 

Nilapitan ko sya kaagad at itinayo.

                "Nasisiraan ka na ba? Ano bang ginagawa mo dito? Sobrang lakas ng ulan, wala ka pang dalang payong." sermon ko sa kanya. 

Hindi ako galit pero hindi ko na nakontrol ang lakas ng boses ko dahil sa sobrang pag-aalala. Hindi sya nagsalita, hikbi lamang nya ang naririnig ko. 

Inalalayan ko sya palapit sa kotse ko ngunit nawalan sya ng malay kaya binuhat ko na sya at mabilis na ipanasok sa loob Sinalat ko ang noo nya, inaapoy sya ng lagnat. Kinuha ko agad yung jacket ko sa backseat at ikinumot ko sa kanya. 

Saan ko ba sya dadalhin? Sagwa naman kung sa bahay ko. Sa ospital kaya? Mabuti pa'y tawagan ko muna si Manong. Aish! Hindi ko nga pala nakuha ang number ni Manong. Idiot mo lang Zac!

                 Nakasuot pa din ang school ID nya, kinuha ko ito at tiningnan ang phone no. nila sa bahay. In case of emergency, please notify: Katherine Yang 980****.  Tinawagan ko na agad.

                "Yang's Residence. Hello?"

                "Hello. Pwede po bang makausap si Mrs. Empress Katherina Yang?"

                "Ano pong kailangan nila?"

                "Pakisabi po kasama ko si Kristen...." 

Bigla na lamang nagsisigaw yung nasa kabilang linya.

                                                [Maam!! Kidnaper!!! Kasama daw po nya si Miss Tin.]

                                                [Ano? Nakidnap ang anak ko?] 

Rinig na rinig ko ang usapan nila. Kidnaper? Ako? Sa Gwapo kong 'to?

                "Hello? Mr. Kidnaper. Maawa ka sa anak ko. Ibibigay ko ang lahat ng kailangan mo. Ano bang gusto mo? Kotse? House & Lot? 50 Million? Name it, you'll have it. Wag mo lang sasaktan ang anak ko."

Pinigilan kong matawa sa mga sinabi ng nanay ni Kristen.

                "Mrs. Yang, ako po yung...."

                "Mr. Kidnaper wala pa akong 50 Million on hand ngayon, please wag mong sasaktan ang anak ko."

                "Mrs. Yang, huminahon po kayo. Hindi po ako kidnaper, kaklase nya po ako. Iinform ko lang po sana kayo na ihahatid ko dyan si Kristen."

                "Ah ganun ba iho, pasensya ka na. Nag-aalala lang talaga ako sa batang yan...."

                 



Nag-drive na ako papunta sa bahay nina Kristen. Ayaw pa akong papasukin ng guard pero nang makita nyang nakaupo sa passenger seat ng kotse ko si Kristen, dali-dali nyang pinabuksan ang gate.

                 Wow! Nasa Pilipinas pa ba ako? Sobrang laki ng bahay. Lumabas ako ng kotse at pumunta sa kabilang side para buhatin si Tin. Napakagaan nya talaga, kumakain pa kaya 'to? May lumabas na maid mula sa bahay na nagtitili nang makitang buhat-buhat ko si Tin.

                "MAAM!!! Hindi po kidnaper, BOYFRIEND!!!!" 

Ano daw? Boyfriend? Nasaan? 

Syang paglabas naman ng magandang babae na kahawig ni Kristen, ka-edad siguro ito ng mommy ko.

                "BOYFRIEND NGA!!!!!" tuwang-tuwang sabi nito. 

Napalingon naman ako sa likod ko. Nasan ba ang bf na sinasabi ng mga 'to? 

"Iho, pasok ka. Nakatulog na pala ang anak ko."

                "Maam, tumawag po kayo ng doctor, inaapoy po ng lagnat si Kristen."

                "WHAT????!!!" nagpanic bigla yung mommy nya. "Yaya, pakisamahan mo nga 'tong boyfriend ni Tin sa kwarto nya. Tatawag lang ako ng doctor." 

BF? So ako pala yung bf?

                "Sir Boyfriend, dito po, dito po ang kwarto ni Miss." kinikilig pa na sabi nung maid. 

Praning ba talaga ang mga tao dito. 

Yung hitsura ng kwarto nya, parang ginawa para sa isang prinsesa. Halatang mamahalin ang mga gamit at napaka-organize ng mga gamit, mukhang hindi nagagalaw. 

Pero ang umagaw ng pansin ko ay ang photo frame na nakapatong sa bedside table nya. Pagkababa ko sa kanya sa kama, kinuha ko yung frame.

                "Ang cute po ni Miss Tin di ba Sir Boyfriend?" sabi nung maid. Ngumiti lang ako. 

It was a childhood photo, 9 y/o siguro sya nang kinunan 'to. She was wearing stripped collar white jacket and her hair was tied into a bun. Napaka-innosente ng mukha nya. She really has those beautiful eyes.

                Maya-maya'y dumating na ang doctor. Lumapit sakin si Mrs. Yang at may iniabot na t-shirt.

                "Iho, magpalit ka muna, basang basa yang suot mo baka magkasakit ka din."

                "Salamat po."

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now