In His Arms - Chapter 18 || Found

497 13 1
                                    

Alona's PoV

"ANO?! Ibinigay mo sa isang waitress yung ticket!? God gurl, sayang!" sabi ni Hanna habang nilalantakan ang sandwich na biili ko.

"Ano ka ba hindi sayang yon." pa baliwalang sagot ko sa kanya

"Paanong hindi sayang eh ibinigay mo na nga."

"Hindi magiging sayang yon dahil yong babaeng iyon nga yung Angel ni kuya Min."

"Paano ka naman nakakasiguradong siya na nga yon?"

"Sure ako na siya yon kasi nga---." Nailamos ko na lang sa mukha ko yung kamay ko.

Ito nanaman po tayo. Mababato ko na ito ng baso eh.

"Sus naman Hanna kanina pa tayo nag-uusap hindi pa din tayo nagkakaintindihan! Yung totoo nakikinig ka ba?" reklamo ko na lang sa kanya.

"Nakikinig naman ako kaya lang hindi ko lang talaga magets kung paano mo nasure na siya na nga iyon. Porket pasok siya sa description ni kuya Min siya na agad yon "

Napakamot ako, "Ewan ko sayo, nakakayamot ka Hanna alam mo yon? Maganda ka lang pero slow ka."

"Hindi ako slow Alona talagang magulo ka lang mag explain." Nakairap na sagot niya sakin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Oo na, kasalanan ko na. Kung hindi lang kita friend hindi kita pagtitiyagaang kausapin.

"Sige ganito na lang, ikukuwento ko na lang uli. Pag hindi mo pa din nakuha suko na talaga ako."

Napatingin uli sa akin si Hanna, ngumiti saka tumango-tango. Huminga muna ako ng malalim, saka ko muling ikinuwento kay Hanna ang mga nangyari.

------

"Ma'am? Okay lang po ba kayo?" I'm still looking at her when she said that. Agad akong nagrespond sa tanong niya.

"Of course!"

I felt like a fool for a moment there. I've seen a lot of pretty faces before pero never pa akong napatunga-nga ng ganito.

Embarrassed, agad kong hinarap ang menung inilapag niya sa harap ko. Habang nakatingin sa menu umiisip na ako ng paraan para masiguradong siya nga ang babaeng hinahanap ko. Nang may idea ng pumasok sa isip ko inilapag ko na ang menu saka nakangiting humarap uli sa kanya.

"Ready to give your order Ma'am."

Magalang niyang tanong sakin, tumango ako

"Bigyan mo ako ng 50 orders ng clubhauz sandwich niyo."

"Ma'am 50?" ulit niya sa order ko.

"Yes."

"Okay, it will take a moment Ma'am, ipapack pa po namin." Sabi niya.

"Okay lang Althea I'm willing to wait naman."

Saka siya nagpaalam ng magbalik siya dala na niya ang inorder ko. Nasa loob ng limang paper bag na may logo ng restaurant nila. Agad kong hiningi ang chit at binayaran iyon sa counter ng matapos ako sa pagbabayad muli akong bumaling kay Althea na tinutulungan ako sa pagbubuhat ng limang paper bag. Sinimulan ko na ang plano ko.

"Althea, pwedeng favor naman." Pakiusap ko.

"Sige po ma'am, ano yon?" kahit na mukhang mataray si Althea ay friendly naman siya.

"Ano kasi, nakakahiya pero ----pwedeng patext?"

"Huh?" takang reaksyon niya.

"Ano kasi, expire na yung load ko. Kailangan ko pang itext yung friend ko kasi sa kanya itong binili ko. Nawala sa isip kong magpaload. So ano, okay lang ba?" mahabang sabi ko.

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon