Getting to Know Pt.2

Start from the beginning
                                    

But my connection with those groups doesn't stop there, my ex-girlfriend is a member of Amethyst and that bastard who stole her from me is a SPADE member. What a coincidence right?! Tss.

                "Bugoy, tagal mong bumalik ah. Uwi na tayo." biglang akbay sakin ni Alex. Sinundan na pala nila ako.

                "Woah! Ano yan?" inagaw ni Eid ang mga albums na hawak ko. "AMETHYST at SPADE?!"

                "Don't tell us?????" si Stan. May pang-aasar sa tono nya. Batid nilang lahat ang koneksyon ko sa dalawang grupong iyon,

                "Wala ako balak bilhin yan," sinamaan ko ng tingin si Stan at nagwalk-out na ako. 

BADTRIP!





                Lunes ng umaga, sabay-sabay kami pumasok ng mga bugoy. Tulad pa din ng dati may mga babaeng nakaabang sa hallway na naghihintay sa pagdating namin.

                Ang gwapo talaga nila noh?!

                Sinabi mo pa, hayyy..

                May mga gfs na kaya sila?

                Sana ako na lang ang gf ni Eid.

                Ako kay Alex.

                Sakin si Dave.

                Stan's mine.

                "Akin ka na lang ZAC!!!!!," narinig kong sigaw ng isa sa kanila. Ngumiti na lamang ako na lalo naman nagpakilig sa mga girls. 

                "Partida na yan ha, di pa tayo nagdedebut binabaha na tayo ng mga fans." sabi ni Stan. 

                "Siguradong patataubin natin ang SPADE kapag nagdebut na tayo, di ba Zac?" biro ni Alex.

                "Shut up! Ang aga-aga sinisira nyo mood ko." marinig ko lang ang pangalang SPADE, umiinit na ang ulo ko.

                "Contagious talaga si Eid, nakakahawa ang kasungitan." 

                "Shut up! Para kayong mga manok, putak nang putak." inis na sagot ni Eid.

Nagtawanan na lamang kami. Nasanay na kasi kami sa sungit nya.



                Eksaktong pagdaan ko sa tapat ng pinto ng isang classroom, may lumabas na babae. Nagkabanggaan kami at nalaglag sa sahig ang mga librong dala nya. Tinulungan ko syang pulutin ang mga ito. Pagtingin ko kung sino sya, si Ms. Cute Tour Guide a.k.a. Eid's ex-gf pala.

                "Kamsamhamnida." pasalamat nya sakin pagkaabot ko ng libro sa kanya. Nagbow pa sya nang bahagya.

                "Korean ka?" tanong ko sa kanya.

                "Half-Korean Mr. Jung." she answered. Mr. Jung pa din? Ganun nya ako tawagin nung campus tour.

                "Cool! Call me Zac." I offered her a handshake.

                "Sure Zac. I'm Kareeshma Seo." she accepted it with a smile. 

Maganda din itong ex ni Eid, matangkad, mabait kahit may pagka-ice princess ang aura at mukhang matalino

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maganda din itong ex ni Eid, matangkad, mabait kahit may pagka-ice princess ang aura at mukhang matalino.  Pwede syang Kpop Idol. 

"Ah.. sige mauna na ako. Nice meeting you again." nagpaalam na ako kasi baka ma-late pa eh.

                "Same here."

                "Bye." tatalikod na sana ako nang may bigla akong naalala. "Ahhh.. Kareeshma."

                "Reesh na lang."

                "Ah Reesh, are you friends with Kristen Yang?"

                "Si Tin?" tumango ako sa kanya. Tin yung tawag nya kay Kristen nun nakita ko sila magkausap eh. "Yeah, why?"

                "Fan ba sya ng Kpop?"

                "Huh?" 

                "Nakita ko kasi sya sa mall, bumili sya ng albums ng SPADE at AMETHYST."

                "Baka dahil kay Kayzer." pabulong nyang sinabi pero kahit papaano'y narinig ko. 

                "Kayzer? Sinong Kayzer?"

                "Ah..Eh..W-wala..Wala.. Wag mo na lang pansinin yung sinabi ko. Sige mauna na ako. Bye." bigla sya naging hesitant. Sa hitsura nya'y para syang may di sinasadyang nasabing sikreto.  Lalo tuloy akong nacurios. Mukhang kelangan kong bumili ng album ng SPADE.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now