Chapter 70: What is happening?

Начните с самого начала
                                    

“Ano bang kelangan mo? May problema ba?” deretsahan kong tanong sakanya

“Hihihi! Tingnan mo ‘to!” may bingay sya sakin na papel, pero hindi naman papel. Ang gulo? Ah basta un!

“Ano ba ‘to?”

“Ay sya! Bakit ka ba matanong ngaun? Buksan mo na lang!”

Sabi ko nga bubuksan ko na. Pagtingin ko eh dalawang image na malabo. Ano ba ‘to? Ang baba naman ng image quality neto. Sinauna pa ata ung camera na gamit dito eh. Pano ba naman black and white

“Sino bang kumuha neto? Ang pangit naman ng quality!” Anong klaseng photographer un? Walang kwenta >.<

“Gaga!”

“Aray!” sapakin daw ba ko? At sa ulo pa ha! Sumusobra ka na talaga Shea Funtanilla!

“Tingnan mo ng mabuti kase!” sabi nia sakin ng mataas na boses. Konti na lang talaga!

Tiningnan ko ng mabuti

Tingin...

Tingin...

Wala talaga eh! Ano bang titingnan dito? Eh black and white nga lang? Tas may kung anong bagay sa gitna. Ano ba talaga ‘to?

“Ano ba kasi ‘to?”

“Tingnan mo sa gitna!”

“Kanina ko pa tinitingnan! Ano nga kase?”

Bigla naman syang ngumiti. Nyay! Ang creepy! Parang pang killer na ngiti eh. Ano bang nangyayari sa mundong ‘to?

“Yan ang first picture ng future pamangkin mo!”

Napatingin uli ako sa picture

Ganon?

So ngaun kinuha ‘tong picture na ‘to?

Hindi nung unang panahon?

“Bakit mukhang alien?”

*PLOK*

*SWOOOOSSSHHH*

“Aray naman Shea!” napahawak ako sa tagiliran ko pati narin sa ulo ko since binatukan nia ko uli!

Pero this time, sobrang lakas at tumilapol ako sa desk ni Dra. Alhakm! Walanjo naman talaga oh!!!!!

“Alien ka dyan! Alexandra umayos ka ah. Kadugo mo kaya ung sinasabihan mo na mukhang alien!”

“Eh mukha naman talaga eh!”

“Ay nako! Nakaka-imbyerna ka!! Lumabas ka na nga lang!” may saltik!

“Sira ka din eh noh? Pinapunta-punta mo ko dito, tas ngaun naman palalabasin mo ko. Ano ba talaga?” medyo naiinis na rin ako

“Lumabas ka na lang!” sabi nia sabay upo uli sa upuan na kanina niang inupan

“Sabi mo eh” sabi ko sabay lumabas na. Walandek ano bang klaseng araw ‘to!

Lumabas na lang ako mismo sa room ni Dra. Babalik na nga lang ako sa dati kong pwesto. At least dun, peace and quiet. Bopols ung si Shea, ang lakas ng tama sa ulo

Eh sa mukhang alien naman talaga ung picture? Hindi mukhang bata? Si kuya ba talaga tatay nun? Hindi kaya narape si Shea ng mga aliens na hindi sinasabi sakin?

Nako! Patay tayo dyan!

Ayokong magkaron ng pamangkin na half alien noh! Waaaaaaaaaaah! T_T

Bigla naman natigil ung pag-iisip ko ng makita hindi kalayuan na madadaanan ko na naman pala ung mga lalaki sa hallway!

Ay nako naman oh! Ganon ba ko kasaglit sa loob at hindi parin umaalis yang apat na gunggong na yan?

Nagtatawanan na naman sila na parang last day na nila sa mundong ‘to. Baka naman namali ng ospital na napuntahan yang mga yan? Baka naman dapat eh sa mental ospital at naligaw? Nakoooo!

Tawa parin sila ng tawa. Hindi naman kaya malagutan sila ng hininga dyan sa mga pinag-gagagawa nila? Jusmiyo naman!

Padaan pa naman na ko! Wala na ba talagang ibang way Lord? Talagang eto lang? Kakabwisit naman. Sa laki ng ospital na ‘to, wala man lang bang ibang way? Sino ba nagbuild neto? Palpak!

Nung napansin nila ko, natigil na naman sila sa pagatawa at nagkatinginan tas parang nag-usap sa utak at nagsmirk. Ayoko na talaga! Bat ang creepy ng  feeling? Arrrggghhh!

Nung sobrang malapit na ko sakanila, may isa sakanila na biglang tumayo at hinarangan ung daan ko habang nakaharap sakin. Bastusan ba ‘to? Alam dadaan ung tao oh!

“Uhm, excuse me” pumunta ako sa kabilang gilid nia para dumaan pero pumunta din sya dun at hinarangan uli ung dadaanan ko. Nung pumunta naman ako sa kabila eh ganun din ung ginawa nia. Ano ba ‘to? Nananadya lang?! Talagang konting-konti na langa pasensya ko!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

“Ano ba?” sabi ko at napatingin ako dun sa lalaki

O.O

Grabe ang tangkad naman nia! Nakatingala ako sakanya actually. Halos parang kasing tangkad na nia si Flynn eh

Tiningnan nia ko ng maigi sabay nagsmirk. Anong ibig sabihin non?!

“Why, aren’t you a hot one? Mind giving your name to me?” tanong nia sakin na para bang gusto nia kong kainin ng buhay

“Pwede ba! Padaanin mo ko. Nagmamadali ako” kapal naman neto! Bakit ko bibigay sakanya ung pangalan ko? Kala mo kung sinong gawapo

Pero kung titingnan mo, hindi talaga sya panget. Parang may ibang lahi sya. Para bang half kano, half pinoy, ganon. Pero hindi nga lang syang kasing standards ni Flynn

>.<

Flynn na naman?!

Ano ba! Puro ka Flynn Sandra! Lusutan mo muna ‘tong napasok mo! Hindi puro Flynn na lang yang nasa utak mo

“Tinakot mo kase ata pre” sabi nung naka-upo sa kabila at tumayo na rin at tumabi dun sa unang lalaki. Chinito sya na malaki ang katawan, maputi at matangkad rin

“Natakot ka ba dito miss? Pasensya na. Naubusan na ata ng sense of humor ‘tong kaibigan ko eh” sabi nia sabay tap sa likod ng kaibigan nia

Naubusan? Eh kanina lang punong-puno kayo ng sense of humor ah? Pinaglololoko ba ko ng mga ‘to?

“Ah eh” napakamot namana ako sa ulo ko

“Pwede bang tumabi kayo? Nagmamadali kase ako” sabi ko ng mahinahon na tono. Ayan ah! Mabait  na ko. Kaya UTANG NA LOOB! PARAANIN NIO NA KO!

“Atat ka naman masyado miss” sabi naman nung isa at tumayo na rin. Eto, sya naman ang definition ng TDH

“Gago wag mo nga syang pigilan. Sensya na miss may saltik ‘tong mga kasama ko eh” sabi naman nung natitirang naka-upo at tumayo na rin. So ang sitwasyon, nakatayo na silang lahat sa harapan ko!

Ung huling tumayo naman eh mahahalata na talagang pure Pinoy ang lahi nia, pero hindi rin sya pangit. Maappeal kase sya, pano malaki rin ung katawan. Lahat naman sila malalaki ang katawan! Nagusap-usap siguro ‘tong mga ‘to

“Uh, pada-...”

“WHAT THE HELL?!”

O.O

Bigla akong napalingon sa likod ko since nagulat ako dun sa sobrang pamilyar na boses na sumigaw

“Flynn?!”

***

You know the drill ;)

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Место, где живут истории. Откройте их для себя