Chapter 47: Nothing matters anymore

3.8K 29 11
                                    

Susko mga te! I'm feeling generous today! Double update in one day! Kaya vote/comment kayo! Para napapadalas and double update :D

***

(Ethan’s POV)

“Alex please, nakikiusap ako sayo, ako na lang” nagmamakaawa kong sabi kay Alex. Wala akong paki-alam kung mukha na kong desperado ngaun sa tingin nia

Totoo naman. Desperadong-desperado na ko. Kaya kong gawin lahat! Iwan lahat, talikuran ang kahit na sino para lang sakanya. Para lang mahalin nia ko. Kahit ilang beses na niang sinabi na wala syang nararamdaman saken

Eh p*t@ng !n@ umaasa parin ako! That’s why I gave her time and space. Lumayo ako sakanya ng ilaw araw, hoping na baka pag wala ako, marealize nia na ako talaga ang mahal nia simula pa lang at baka sakaling ako ang piliin nia

“Uh, I ah-..”

“Hindi mo naman kelangan na mahalin mo ko agad eh. Hindi naman kita minamadali Alex. Basta piliin mo lang ako, sabihin mo lang saken na ako ung gusto mong makasama, un lang! Kahit hindi mo pa ko mahal wala akong paki-alam! Mamahalin kita ng buong-buo! Sobra-sobra, walang kulang! Utang na loob Alex”

“Ethan! What are you doing? Stand up!” lumuhod na ko sa harapan nia ngaun. Sobrang nakakagago ‘tong ginagawa ko, pero gagawin ko parin para lang sakanya

“Ganyan kita kamahal Alex. Kahit magmukha akong tanga sa harap ng maraming tao wala akong paki-alam! I don’t care. All I care about is you. Ikaw lang! Wala na nga kong paki-alam sa sarili ko. Ikaw lang talaga ang nasa isip ko. Piliin mo ko! Please Alex!”

“Ethan, wag naman ganito” napalunok ako. Anong ibig sabihin ng pagmamakaawa nia?

“Nahihirapan na rin ako Ethan. Hindi lang ikaw. Alam mo ba kung gano kasakit para saken na nakikita kang ganyan? Kung gano kinukurot ung puso ko tuwing magmamakaawa ka saken? Mahirap Ethan. Sobrang bigat sa pakiramdam.” Marahas niang pinunasan ung luha nia. Umiiyak sya? Pero bakit?

“Pero alam mo ba kung ano ang pinakamasakit sa lahat Ethan? Ung ako ung dahilan sa mga paghihirap mo. Ung ako ung dahilan kung bakit ka umiiyak. Ung ako ung dahilan kung bakit ka nagmamakaawa ngaun. Ung ako ung dahilan kung bakit nasisira ung matagal nio nang pagkakaibigan nila kuya. Ung ako ung dahilan kung bakit ka napapa-away. Ung ako ung dahilan kung bakit ka nasasaktan. Masakit Ethan. Sobrang sakit na nakikita kang ganyan!” Hindi ko maintindihan. Anong ibig sabihin nia?

“I’m sorry” tumayo na ko para mahawakan ko ang mga pisngi nia at punasan ang mga luha nia. “I’m sorry kung nahihirapan ka. I’m sorry kung nasasaktan ka. Alex, you don’t have to worry about me. Ang pinaka-ayoko sa lahat eh ung nakikita kang umiiyak. Alex, please. Just please. Don’t cry. I really love you and it hurts so much to see you like this” inakap ko sya. She cried even harder when I hugged her. Ang tanga ko talaga. Hindi ko man lang napansin na nasasaktan na din pala sya. I was being selfish

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Where stories live. Discover now