Chapter 70: What is happening?

Magsimula sa umpisa
                                    

“Pero kahit na. kung ikaw ba, malaman at mameet mo ung mga dating mga nakafling ni kuya, anong mararamdaman mo?”

“Syempre malamang maiinis. Pero hanggang dun na lang un. Hindi ko hahayaan na masira kami ni Aly nang dahil lang dun. We’re too strong for that. Tsaka isa pa, nakaraan na un. NAKARAAN. In the past na. Bakit ka ba magpapaapekto sa mga bagay na wala na. Na tapos na? It just doesn’t make any sense”

End of flashback

Nakakainis talaga! Bakit ba ko nagkakaganito? For some reason, hindi matanggal ung inis sa sistema ko. Tama si Shea, bakit nga ba ko nagpapaapekto sa mga bagay na wala na? Parang ang tanga ko lang isipin

Napakamot ako sa ulo ko kahit hindi naman makati. Walandek talaga na buhay ‘to oh. Hindi ko naman alam kung ano bang dapat gawin

Naramdaman ko na nagvibrate na naman ung cellphone sa bulsa ko. Kinuha ko un at tiningnan kung sino ba ung tumawatawag

Akala ko pa naman si Flynn ung tumatawag. -__- Si Shea lang pala

“Oh?” sabi ko pagkasagot ko

-“Bhest! Punta ka dito”-

“Bakit?”

-“Eh basta! Punta ka dito”-

“Bakit muna?”

-“Ay basta pumunta ka dito!”-

Toot.toot.toot

Babaan daw ba ko? Napakabait talaga kahit kelan. Swerte sya buntis sya! Kung hindi, ay nako! Kinaltukan ko na sya sa ulo! Dalawa pa kamo

Tumayo na ko at nagsimula ng maglakad. Nakakainis kase ang layo pa naman nung room ng obgyn ni Shea. Kelangan ko pang pumunta sa taas

Naghagdan na lang ako since un ung una kong nakita eh. Buti na lang talaga sa second floor lang un. Tinatamad pa naman talaga ko ngaun

Pagkaakyat ko eh may madadaanan pa kong hallway na may mga upuan sa magkabilang-gilid. Alam nio ung parang waiting area sa mga rooms? Ganon. May apat na lalaking nakaupo dun sa mga mahahabang upuan. Dalawa sa kabila, tas dalawa din naman sa kabila

Ayuko pa naman ng ganon. Ung dadaan sa gitna nila? Byerna un eh! Mukha pa naman silang mga maloloko. Pano nagtatawanan

Tiningnan ko kung may ibang way since nasa dulo ung room, pero wala. Mukhang no choice na talaga ko at magfafashion show pa ko sa gitna nila. Kung sinuswerte ka nga naman talaga oh!

Nung dadaan na ko eh bigla naman silang huminto sa pagtawa at napatingin sakin. Ayan na nga ba ang ayaw ko eh! Bakit kelangan pa nila na tumitig? Didn’t your mummas tell you that it’s rude to stare?!

Binilisan ko na lang ung lakad ko. Ang saya talaga ngaun noh? Lahat na ata ng masamang pwedeng mangyari sakin eh mangyayari

Bilis Sandra! Bilisan mo ang lakad mo! Wag kang lalamya-lamya ngaun. Wag ka ding madadapa! Oh matatapilok

Nakahinga na lang ata ako pagkalipas ko sakanila. Pano ba namang hindi ako maiintimidate sakanila eh nagtatawanan sila na akala mo eh wala ng bukas, tas nung dumaan ako, huminto tas tinitigan ako? Sino ba naman hindi mahihiya nun? Walandek talaga!

Pagkadating ko sa room eh pinapasok ako nung secretary nung obgyn ni Shea, si Dra. Alhakm. Astig name eh nuh? Ibang lahi ata ‘to sa pagkakaalam ko eh. Hindi Pilipino

“Shea”

“Ay bhest!” napatayo naman sya sa inuupuan nia na kaharap na desk nung obgyn pero wala naman ung doctor nung pagkapasok ko sa isa pang kwarto. So, kwarto na may kwarto? Astig ah. Maganda yan

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon