2 : You'll be okay

Começar do início
                                    

        "Your face is really giving me hell," pang-aasar niya pabalik sabay ngisi. Kung makapagsalita 'tong si boy eyebags ah! Eh siya nga 'tong mukhang galing sa impyerno sa sobrang stressed out ng pagmumukha.

        Imbes na magpatalo sa inis, kumuha na lamang ako ng biscuits, mantle, milk, at kung ano-ano pang mga snacks saka nagtungo sa counter. Ako sana ang maybabayad pero biglang inabot ni boy-eyebags ang credit card niya, wow naman rich kid si the walking stress.

***

         "Bakit dito?" tanong ni boy eyebags nang makarating kami sa isang nature park. Hindi masyadong sikat ang lugar na'to pero sobrang ganda kaya naman isa ito ang isa sa mga paborito naming puntahan ng pamilya ko noong wala pang sakit si Kuya. 24 hours na nakabukas ang nature park na ito at kilala na ako ng lahat ng mga nagtatrabaho rito.

        "You'll see." Habang nakaharap sa kanya, naglakad ako nang paatras habang may ngiti sa mukha. Umikot ako at mas binilisan pa ang paglalakad papasok sa kaya wala siyang nagawa kundi sumunod.

        Lumihis ako sa pathway at dumiretso sa kakahuyan. Kahit madaling araw na, hindi naman nakakatakot dito kasi nagkalat ang mga kulay blue na fairy lights sa paligid. It's really beautiful actually; the color blue lights make the place look really cool and calming. Gawa rin sa concrete ang pathway kaya hindi kami maliligaw. Kahit nagtataasan ang mga puno at napakaingay ng mga kuliglig, hindi naman siya creepy kasi tadtad ng fairy lights ang paligid.

        "Saan ba talaga tayo pupunta?" Muli niyang tanong.

         Bahagya kong nilingon si boy eyebags at pinakitaan ng nakakalokong ngisi. "Ipapakita ko sa'yo kung saan ko binaon ang mga pinatay ko," biro ko. 

        "Sinasabi ko na nga ba, isa kang mamaw," aniya kaya agad naglaho ang ngisi sa mukha ko. Galing niya mang-asar, nakaka-hurt na ng sobrang slight.

         Hindi nagtagal, unti-unting numipis ang bilang ng mga puno hanggang sa makarating kami sa isang karatula na may simbolo ng isang half moon. Nakikita ko ang half moon kasi gawa ito sa kulay blue na neon lights. Muli akong napangiti nang marinig ang tunog ng mga alon at maramdaman ang hatid nitong malamig na ihip ng hangin.

         "We're here!" Lumingon ako kay boy eyebags at napansin ko ang kalituhan sa mukha niya. Natatamaan ng kulay asul na ilaw ang mukha niya kaya nagmumukha tuloy siyang Avatar—Stressed na avatar.

         "Where the hell are we? I can't see shit," Bulalas niya kaya agad nakunot ang noo ko sa inis.

         "Patience, my stressful friend. You'll see it's beauty soon," sabi ko nalang. Magmura ba naman sa happy place ko.

         Nakita kong inilabas ni Boy eyebags ang cellphone mula sa kanyang bulsa at pinagana ang flashlight upang mapagmasdan ang buong paligid. "Shit, are we near a cliff?!"

         "Would you please stop swearing?" Giit ko at muling napabuntong-hininga. "And yes we're near a cliff so don't move around too much. Just trust me on this, okay? My Papa takes us here when work becomes too toxic. This is where we usually have our family picnic, our secret spot. Sobra akong nare-relax sa tuwing nagpupunta kami dito," paliwanag ko sa kanya. Inilapag ko ang grocery bag na naglalaman ng mga pinamili namin at kahit wala akong sinasabi, biglang kinuha ni Boy eyebags ang binili naming mantle at siya mismo ang naglatag nito sa sahig.

         "Careful, napapaligiran tayo ng mga roses. Don't move around too much," bilin ko.

         "You are one weird kid. You know that right?" Tanong niya na para bang naiinis.

         "You are one whiny boy. Shut up," pabiro kong sambit.

****

          "Trust me, it's going to help," paniniguro ko kay boy eyebags habang pinapanood siyang buksan ang maliit na bote ng fresh milk. Mukha siyang nagdadalawang isip kaya hindi ko naiwasang matawa.

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora