CHAPTER 42-B THE SUFFERING

Start from the beginning
                                    

“Ano?!”

“Sige na huh. Promise, pag hindi bukas sa isang araw ok?”

“Hay naku. May magagawa pa ba ko?”

“Thank you." Pumasok na siya sa kotse. “Ingat ka ha?” Ipbinaba niya yung bintana.

“Ok. Teka wala bang kiss?”

“Lika.”

OoO...Hinawakan ko yung pisngi niya at lumapit sa kanya...PAK!

“Aray.”

“Sige na.” Tatawa tawa kong sabi sa kanya.

“Kala ko sasagutin mo na ko.”

“Sige na ang kulit mo.”

“Bye.” Parang batang sabi niya bago umalis. Siguro mabuting hindi muna kita sagutin. Siguro kapag maayos na lahat.

Kapag hindi na magulo.

At the school.

“What????? Ginawa nila yun. Anong gagawin mo ngayon ha?” Umiiyak na siya ngayon.

“Bakit ka umiiyak dapat ako nga di ba?” Naiiyak na din tuloy ako.

Kinuwento ko na din sa kanya lahat... After nun patuloy pa rin ang buhay. Sa bahay naman napapansin din nila Mama na medyo lagi na rin akong late umuwi kahit sinasabi ko na club activities lang yun. Si Carlsvin naman napakakulit, minsan tuloy hindi na ako nakakapasok sa trabaho. Minsan tinatakasan ko na lang. Ayoko kasing malaman niya o kahit nila Mama kung anong nangyayari sa akin sa school.

Pag-uwi ko nagulat na lang ako na makitang umiiyak si Mama at Lola.

“Ma, La anong problema?”

“Totoo bang wala ka ng scholarship at ang mga Montezor ang dahilan?”

“Ma? Panong-“

“Kinausap ko si Jsey. Anak, mas makakabuti kung lalayuan mo na sila. Lalo na si Carlsvin.”

“ Ma namna. Wala naman siyang kinalaman dito. Alam mo yun.”

“Alam ko pero hindi titigil ang Ate niya. Alam mo bang tinanggal ako sa trabaho ngayon??? Paano na tayo ngayon?”

“Po???”

“Dahil sa matagal ko ng kilala yung Boss ko sinabi niya sa akin na may binangga daw tayong malaki ang impluwensya sa ekonimiya. At yun ang mga Montezor. Anak making ka sa  akin.”

“MA!! Ayoko po.”

“Hanna!!!”

“Tama na yan. Tumigil na kayong dalawa.” Pigil sa amin ni Lola.

“Ma, alam niyong kahit kalian hindi ko kayo sinuway. Pero ngayon gusto kong ipaglaban yung taong alam kong mahal ako at mahal ko.”

“Pag di ka nakinig-“

“Tama na. Hanna huwag kang sumagot sa Mama mo. At ikaw anak. Tumigil ka na.”

Tumingin ako kay Mama bago lumabas ng bahay. Pagkalabas na pagkalabas ko narinig kong sumigaw si Mama.

“Ma!!!!!” Bigla akong bumalik.

“La??? Ma anong nangyari?” Nakita kong walang malay si Lola.

“Bilis humingi ka ng tulong. Bilisan mo!” May dumating na ambulansiya. Dinala namin sa ospital si Lola.  Pareho kaming umiiyak ni Mama. It's my fault.. again!!!

Lumabas na yung doctor. “We have to operate her. As soon as possible.” Para kaming binagsakan ng langit ni Mama. “ B-bakit po?” tanong ni Mama habang umiiyak.

“Heart attack. Kailangan as soon as possible para hindi na magkaroon ng complications. If we operate her now, magiging ok na lahat.”

“Magkano po ang kailangan?” tanong ko.

“Gagastos kayo dito ng mahigit P300,000.”

“Ano po?”

“Pasensya na kayo. Aalis muna ko para icheck siya ulit. But I’m telling you. As soon as possible.”

“Anong gagawin natin anak? Wala na kong trabaho.”

Umiyak kami ng umiyak ni mama. Kasalanan kong lahat to. Kung hindi ko sinagot si Mama. Kung tumigil lang ako kaagad. Kailangan ko din bang sisihin ang Montezor? Anong gagawin ko?

Pauwi na ako para kumuha ng mga gamit nang may tumawag sa akin. Si Tita Elizabeth to ah. I cleared my throat before answering.

 “Hello tita bakit po kayo napatawag?”

“Can we talk? Don’t worry sandali lang. Importante lang.”

“Sige po.” Nagpunta kami sa isang restaurant. Walang ibang customer.

“Do you want something?”

“I’m not hungry Tita.” I can see that she's restless.. "Ok lang po ba kayo Tita?”

Then she look straight at me and --- “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa....Leave my son.”

******

BY CHANCEWhere stories live. Discover now