CHAPTER 5 RETURN THE FAVOR

2.2K 20 2
                                    

Chapter 5

 

RETURN THE FAVOR

 

Carlsvin’s POV

Hay naku buti nalang at natapos din agad ang pasok namin. Mapupuntahan ko na din ung babaeng yun. Tiyak nandun pa yun. Inutos ko pa sa secretary ni Daddy na tignan ung schedule niya.

Maaga pa nga ako eh, pagkatapos na pagkatapos ng klase pumunta na kagad ako dito.

“ Saan ko kaya hahanapin ung babaeng un? “. Makapagtanong na nga lang.

Teka parang kilala ko ung babaeng may kausap na lalaki ah. Tama si Hanna nga. Aba teka  at mukhang enjoy na enjoy ka pa ha? Kala ko ba NBSB ka? Teka lang.

Bumaba na ko ng kotse. Grabe ang ingay ng mga babaeng to ah parang ngaun lang nakakita ng gwapo ah.

  

“Hey Han where are you going?” sabi ko sa kanya. Aba derederencho ah.

 Then.. you leave me no choice.

Hinawakan ko nga ung bewang. Sa wakas eh di nakita mo rin ako. Aba mukhang gulat na gulat ah.

“ What are you doing here?” Bigla niya kong tinulak.

“Ehem..."  Lagot ka sa akin.. nakakahiya yun ha... ang isang Carlsvin Montezor??? Tinutulak lang ng babaeng to??? Dahil sa isang lalaki na hindi maicocompare sa akin??? " I’m here to fetch you. Ano ka ba kausap mo lang ako kanina ah. Han naman nakakatampo ka ah” at nginitian ko nga na parang sweet na sweet.

“What are you talking about???!”  Tumingin siya sa lalaking yun na para bang ayaw niyang ipakita sa lalaking to ang lahat ng nangyayari.

Sino ba kasi to ha???

“ Siya ba ung sinasabi mong hinihintay mo?” sabi nung lalaki.

“ Huhh???--” sabi ni Hanna.

“ I’m Carlsvin. Carlsvin Montezor .Sabi nya boyfriend nya daw ako eh”.  Totoo naman eh. Seh started it.. she's the one who said that.

“ Ah ganun ba? Di mo naman nasabi sakin Hanna? Sige ha alis na ko may gagawin pa pala kami eh sige next time na lang”

“ Wait” sabi ni Hanna. Hinawakan pa niya sa kamay yung lalaking to.

BY CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon