CHAPTER 42-B THE SUFFERING

1.5K 10 2
                                    

CHAPTER 42-B

THE SUFFERING

Hanna’s POV

Pano ko sasabihin kayla Mama lahat?? Ayokong mag-alala sila. Kailangan ko na bang tumigil sa pagaaral?

Ilang bukas na ata ng elevator pero hindi pa rin ako sumasakay.. but then... I need to keep moving. I need to be strong. When I noticed that there's no people in the elevator, pumasok na ko. At pagkatapos na pagkatapos ko pa lang, naiyak na ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may pumasok. Bigla na lang akong napatigil.

“You. Mall- girl?”

“Mall-girl?” Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko yung luha ko.

“Anong ginagawa mo dito?”

Sino ba tong tao na to??? ISIP ISIP ISIP Ah tama yung masungit na lalaki sa mall. “Wala ka na dun. Pwede ba?? Naglalabas lang ako ng sama ng loob. May problema ka ba?!”

“What?!! Dito ka pa talaga naglabas ng sama ng loob? At bakit mo ko sinisigawan??" I glared at him.. maya-maya he sighed. Nag-iwas na lang kami ng tingin sa isa't-isa. Nang bumukas yung elevator, lumabas ako agad.. Pero---

"HEY!!!" Bigla siyang may hinagis sa akin.

“Ano ba?!”

“Wag kang aalis na ganyan ang itsura mo baka akalain nila multo ka.” He smirk at me. THE NERVE!!! At yun sumara na yung elevator. Nakita ko na lang yung panyo niya. Natawa na lang ako bigla. Masungit siya pero may pagkagentleman din pala.

After kung magemo umuwi na agad ako. Nakalimutan ko may pasok pa ko sa trabaho. Kailangan kahit sandali lang makapasok ako.

***

After kong magtrabaho umuwi na agad ako. Bigla na lang akong napatigil dahil sa nakita kong kotse.. at nakasandal dun si Carlsvin. Nakatingin siya sa akin. Nag-simula na ulit akong maglakad papunta sa kanya. Nang malapit na ko tumayo na siya at lumapit sa akin.

“Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ko dito ah.”

Bigla ko na lang syang niyakap at naiyak na naman ako bigla. When I hugged him.. I feel that I'm protected.. that my guardian angel is here to protect me.

He hugged me back. “Namiss mo ko no? Wag ka ng umiyak.” He's patting my head.

“Hmmm.”

“Alam mo bang tapos na yung OJT ko?”

“Talaga?” Bigla akong napalayo sa kanya.

“Hmmm.” Then he laugh. “I miss you.” He brushed away my tears.

“Me too.” 

After nun, hinaya ko muna siyang pumasok ng bahay. He greeted Lola. Nagkwekwentuhan kami sa sala nang dumating si Mama. Carlsvin greeted her.. pero tumango lang si Mama. At pumasok sa kwarto niya. Carlsvin looked at me.. he knows.. he knows that something change.. but all he do is to smile at me, like saying that he's alright and that he understand everything.

“Pagod lang sya siguro." I held his hand.  " Sige na gabi na rin. Umuwi ka na.” And smile at him.

“Para namang hindi mo ko namiss.”

“Sige na. Delikado pag-gabi. Sige na.”

“Ok." Nag-paalam na siya kayla Mama at Lola. Hinatid ko naman siya sa labas.

"Babalik ako bukas ok?”

“Ah tatawagan na lang kita. Ahh hindi, tetext na lang kita. Busy ako ngaun eh. Magtatapos na kasi yung school year eh. Maraming projects.”

BY CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon