CHAPTER 13 THE CLOSER YOU AND I

1.9K 14 1
                                    

CHAPTER 13

THE CLOSER YOU AND I

Hanna’s POV

Teka ano to? Hala bakit pareho kami ng damit? Bakit di ko to napansin? Ah nakatiklop nga pala tong mga T-shirts na to kanina. At mukhang nagulat din sya ha.

“Manang wag niyong sabihing couple shirt to?”

“Ou naman iha. Couple naman kayo. At bagay din sa inyo.”

“Magkano ho ito manang?” Tanong niya na para bang wala siyang pakialam na magkapareho kami. Big deal sa akin yun. I want to have the same thing with my first boyfriend....... PERO!!!! Nagyon wala na!!!!!.................. Hay naku... what's with this fate?? I can only accept.... 

Okay Accepted na nga!!!!

“Naku iho binayaran na yan ng girlfriend mo.”

“Ibalik nyo na lang po sa kanya yung binayad nya.”

“Naku Manang wag mo na tong intindihin. Aalis na ho kami.” Tinulak tulak ko siya palabas ng shop/

“Anong ginagawa mo?”

“Alam mo pag patuloy mo kong nilibre, parang totoo na yung sinabi sa akin nga Ate mo kanina. Lika na. Yaan mo na. It's my first give... kahit ayoko.” Mahina kong sinabi yun.

"May sinabi ka??"

“ What?? So equal na tayo ha.”

“Anong equal mas madami na kong nalibre sayo ngayon no.”

“Ah basta. Bakit ngayon lang naman ako nagpalibre sayo ah. Sinabi ko bang ilibre mo ko sa mamahaling restaurant. At teka pinaiyak mo rin ak-“

Aba tinakpan ung bibig ko.

“Ah ou na sige na ang daldal mo talaga”

“bjsbcisbgcidsb”

“Anong sabi mo?”

Tinanggal na nya ung kamay nya.

“Sabi ko ang baho ng kamay mo.”

“WHAT????”

“Joke lang. HAHAHA. BHE!!!” Yun naglakad na ko palayo sa kanya. Habang tumatawa.

“Ha ikaw kaya dyan!!! Ung laway mo napunta sa kamay ko.” Nasa tabi ko na siya ngayon.

“Aba, kapal mo. Di kaya.”

“Eto kaya oh.” Parang pinapakita pa ung kamay nya. Nilalapit niya sa akin yun.

“O nasan wala naman ah."

“Eto oh." Tapos nung tinitignan ko. Bigla niyang tinulak yung noo ko. Pero syempre di malakas.

“Aba!!! ANO BA?!!!!”

“Halika na gutom na ko.” Siya naman ngayon ang naunang maglakad.

“Ewan ko sayo!!!”

“O saan tayo kakain?”

Natawa na lang ako sa ginagawa niya ngayon. Para siyang bata. Malayo sa masungit na version niya. “Ah alam ko na. Magdrive thru na lang tayo tapos kain tayo sa Park malapit dito.”

“Bakit pwede naman sa restaurant na lang.”

“Ah basta para maiba. Bilis gutom na rin ako.”

At yun nagdrive thru kami. Burger, French Fries, Ice cream yung inorder namin. Tapos we went to park after that. Nakakita kami ng upuan malapit dun sa human made mini lake. Tapos kumain na din kami.

BY CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon