As we walk on the pathway, pinulot ko ang susi ng sasakyan ni Aaron. Iniwan nga pala 'to ni Danica kanina. Nang makalapit na kami sa sasakyan ni Aaron, binigay ko susi sa kanya. "You guys take care." I say to them. Binigyan lang nila ako ng ngiti at nang buksan na nila an car doors....
.

.

.

.

.

WEEEEEEEEEEE.... WOOOOOOOOO....
.

.

.

.

.

.

Bigla kaming nakarinig ng malalakas na silbato ng police cars. Medyo malayo pero naririnig na namin. Napalingon kami sa malayo. "Ano yun?" biglang tanong ni Aaron.

"Baka may chase. Parang ang raming umuugong na sasakyan eh." sagot ni Raymond. Well, he's right. Parang may police presence ngayon. I wonder why.

Then, sa mismong eskinita na nasa unahan ng bahay namin, may dalawang lalaki ang biglang sumulpot. Nakamaskara sila at tsaka mukhang pilay ang isa na tinutulungan ng isa niyang kasama. Papunta sila sa direksyon namin. "Hoy, kayo!" biglang sigaw ng dalawa na pumipilay patungo sa amin na nakaturo ang mga baril nila sa amin. "Tulungan niyo kami!"

Itinaas nina Raymond at Chris ang kanilang mga kamay nang tuluyan na silang makalapit sa amin. "Wag niyo po kami barilin, mga sir." natatakot na wika ni Raymond. Oh my gosh, si Raymond... takot. -__- Di ko alam bakit pero di talaga natatakot sa mga baril na yan. I glance to Aaron and just like me, di siya nagtaas ng kamay.

"Hoy, kayong dalawa! Itaas niyo kamay niyo at ibigay niyo ang sasakyan niyo sa amin! Or, I swear... papasabugin ko ulo niyo!" banta niya. Lol.

"Jade..." tawag ni Aaron sa akin. Lumingon ako sa kanya and he gives me the keys. "..alam mo na ano gagawin." sabi niya sabay kindat. Haha. Puta, talaga. Pareho talaga kami ng isip ng lalaking to. Tinanggap ko ang susi....

at itinapon ko nang malayo. "HOY! GAGA! BAKIT MO ITINAPON? PAPASABUGIN KO TALAGA ULO MONG BRUHA KA! galit na sigaw ng isa sa akin habang nakatutok pa rin ang baril sa akin.

"Heh." I scoff. "Di mo yan magagawa kasi kung sakaling gawin mo, maririnig nila ang putok at mahahanap nila kayo. Handa ka ba talaga kayong magpabilanggo?"

Napapansin ko na lang na nanginginig siyang humahawak sa kanyang baril, na para bang nagdududa. Heh. He ain't doing shit. "FUCK!" he exclaims at tsaka ibinaba ang baril. Then, tinanggal na niya rin ang kanyang maskara and it reveals a face of a.. handsome young guy. O_O What the hell? "Parang awa niyo na, tulungan niyo kami." lumuhod siya habang kaakbay ang kasama niyang dumudugo ang tuhod.

"Aray.." mahinang ungol ng kasama niya. O_O Boses.... babae? Tinanggal na niya rin ang kanyang maskara... and shit, I am right! Babae nga! Pota, ang babata pa ng mga tarantadong to!

Then, unti-unting lumapit ang sirens ng mga police car. I can tell na malapit na silang makarating dito. Shit. "Jade..." biglang tapik ni Aaron sa balikat ko. "...it's your call."

Napabuntong hininga ako at.. "Fuck this, tulungan natin." sabi ko.

Mabilis kaming lumapit sa dalawa at kinarga ang sugatang babae. Itinakbo namin siya sa loob ng bahay, papunta sa kusina at inilatag namin sa mesa. Dali-daling kumuha ng kutsilyo at posporo ang ang lalaki. Sinindihan niya ang kutsilyo. "Kailangan kong kunin ang bala sa sugat niya." wika niya sa akin. Oh shit. I can't believe I'm actually witnessing shit like this. Pinunit niya ang kanyang damit at ipinasubo niya sa kanyang kasamang babae. "Masakit to kaya kagatin mo na lang, ha?"

Mafia MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon