Chapter 4: Let the Party begin

16 0 0
                                        

Okay ba yung cover? =w= pinagpawisan ko yan xDD sa Picsart ko pinagtsagaan haha.

Enjoyy♪

*********★*****★*****★**********

Chapter 4: Let the Party begin

Joel


5:45 AM

*Riiiiiiiiiiiiiing*

//Yawn// Ang bilis namang mag-umaga..Inaantok pa ko..


"RIGHT!! Today is the first day of classes!!" Yes! Ang saya ko!! Excited na akong makipag daldalan sa mga bago kong tropa!! at syempre mag-aral din...

Tumayo na ko kaagad at naghubad.

Maliligo nalang muna ako tapos mag-aalmusal na...

10 Minutes Later.

Haaaa~ Ang Fresh talaga ng Feeling pag bagog Ligo! Parang gusto kong Sumayaw~

Hmm.. 5:57 AM palang. Di ba ako masyadong napaaga? Nasanay kasi akong gumigising ng maaga kasi medyo malayo yung Previous na School ko.


Bahala na, gisingin ko nalang yung mga iba para may kasama ako.

Pagbukas ko ng pinto, dederetso na sana ako sa kwarto ng mga Lalaki ng may naririnig akong nagdadabog sa Janitor's Room malapit  sa  kwarto ko..

*THUD* *THUD* *THUD*

"H-huh??"

Kinakabahan ako... Bakit ganito ang nararamdaman ko?

*THUD*

Kalma ka lang Joel... Baka daga lang yan... pero imposible. Kahit limang daga, di kayang magdabog ng ganyan... diba?

*thud*

Humina na yung pagdabog niya sa pinto...

"Baka nga daga lang yun."


"T-tul...ongg..."

"??!!" May tao sa Loob?! tsaka.. pambabae yung boses... di kaya--


"S-sino ka?!"

"K..riz...a....lyn...."


"K...K-KRIZALYN??!" Binuksan ko kaagad yung pinto...

"H-HAH--????!!!!" Napaupo ako sa sahig at--

*BLLURRGGHHH*

Di ko mapigilang masuka nang makita ko ang katawan ni Krizalyn na puno ng hiwa sa katawan..

wala na rin ang mga kuko nito sa mga daliri niya... Puno ng dugo ang sahig at tuloy-tuloy parin ang pag daloy ng mga dugo niya galing sa mga sugat niya.


"T-t-tulong... an.. m-mo..o.."

"K-k-krizalyn!!! W-wag kang gagalaw!! tatawag ako ng tulong sa iba!!"

Tumakbo ako sa may pinakamalapit na kwarto ng boys... Si Edward. Kumatok ako ng napakalakas dahilan neto para masira ang lock ng pinto niya.

"EDWARD EDWARD!!!! TULONG!!! SI KRIZALYN PUNO NG SUGAT ANG KATAWAN!!!! TUMAWAG KA NG TULONGG!!!"

Hope & Wisdom Academy: Twisted Review [ON-HOLD]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt