Chapter 13 The Secrets

3 1 0
                                    

Ngayon palang ramdam ni Allison ang pagiging tinakda niya. Kung ang mga naunang pagsubok para mapatunay niya ang sarili ay madali. Walang kasing hirap ang nilakbay nila papunta sa banal na ilog. Kung saan saan sila lumusot. Sobrang napagod siya. Dahil pumunta lang sila sa wala. Wala nang tubig ang naturang ilog.

Pansamantala silang tumigil sa lugar nila Yula. Ito lang ang pinakamalapit na bayan mula sa sinadya nilang ilog. Isang araw lang ang layo nito lalo't pinatakbo ni Vleo at Rleo ang mga kabayo nito mabilis.

Umupo siya sa tabi ng nakasimangot na si Yula. Kanina pa ito di pinapansin ni Rleo. Habang ang dalaga naman ay walang puknat ang lingon sa binata. Kung nakakamatay lang titig ng kaibigan ay malamang bumula na ang bibig ng binata.

"Kaya pala hindi niya pinapansin ah. Kasi hindi niya ko isasama sa pagbalik nyo sa Deriwa. Bakit hindi mo man lang binanggit sakin iyong balak ninyong iwanan ako dito?" Baling sa kanya ng kaibigan matapos titigan ng matalim si Rleo.

Mabilis siyang umiling. "Wala akong alam sa balak nilang dalawa. Ni hindi ko nga alam bakit lumakad kami nang hindi inaantay si Zydella. Basta ang narinig ko na may nagbabantay raw sakin kaya sapat na raw ngayon silang dalawa sa paglalakbay." Paliwanag niya.

Kagabi nang maalimpungatan siya ay narinig niyang nag-uusap si Rleo at Vleo. Ayon sa kambal, may hindi magandang awra silang nararamdam habang papalapit sila sa banal na ilog.

"Huwag mo nang alalahanin yang nararamdaman mo. Kasi kung meron man panganib na dala ang may-ari ng di magandang awrang yan ay siguradong mararamdaman ni--ya. Lagi kayang nakabantay iyon mula sa malayo lalo na kay Allison." Pagpapalubang-loob na sabi ni Rleo habang tinatapik sa balikat ang kambal.

Meron pa pala siyang isang tagabantay sa paligid. Na saan kaya ito ngayon?

"Ano ba naman kasing kalokohan ang gusto niyang palabasin? Kailangan ba nating magmakaawa sa kanya. Kailangan bang paulit-ulit nating ihingi ng tawad ang mga ginawa natin sa kanya noon. Sasapakin ko talaga yang si--" Biglang tinakpan ni Rleo ang bibig ng kambal.

"A-Allison, nandyan ka pala?" Hindi mawaring bungad ni Rleo sa kanya. Parang may dinaramdam sa asal nito.

"Kukuha lang sana ako ng tubig." Sabay lapit niya sa pitsil na nasa harap kg dalawa. Kumuha ng siya ng sakto para sa kanya saka bumalik sa tent.

Malakas na palo sa lamesa ang nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan. Binagsak ni Yula ang hawak nitong baso sa mesa matapos manahimik ng sandali.

"Kaya maaga tayo pinatulog ni Rleo. Talaga yang lalaking yan. Dapat sinabi niya nalang na sakin." Hinuha ni Yula sabay tayong wika ng kaibigan. "Wag mo akong kakausapin." Sigaw nito kay Rleo na papalapit sana sa kanila.

Lihim siyang napangiti. Malamang nais lang ilayo ni Rleo si Yula sa kapahamakang dadarating. Ngunit napawi ang masayang pang-iisip nang maalala si Jichael.

May isang puno itong laging sinasandalan kapag nawawala iyong sa paningin niya. Walang lugar sa bayang iyon na hindi niya nakikita ang anino ng binata. Hindi na nawaglit sa isip niya si Jichael.

Kung sakaling naroroon din ang binata. Malamang na ito ang unang poprotekta sa kanya. Baka nga hindi na iyon lumayo sa tabi niya.

"Uuwi muna ako." Wika niya bago naglakad papasok sa gubat. Hindi na niya inantay ang sagot ng bisiro niya. Bisiro ang tawag ng nga tao sa Deriwa sa mga kasama ng tinakda, sa mga kasama niya.

Apat na tao ang nakatakda niyang makasangga sa pagligtas sa mundong tinatapakan nila. Ngunit tatlo palang sa mga ito ang nakikilala niya. Sina Rleo, Vleo at Zydella palang.

Napangiti siya. Kaya pala naglalakbay ang kambal para hanapin siya at mga kasama nitong bisiro.

Kinabuksan na siya babalik sa bayan. Tanghali pa naman daw sila aalis. Gusto niyang namnamin ang mga sandali niya sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Bago pasanin ang mundong kinabibilangan niya.

Ageless DimensionWhere stories live. Discover now