Chapter 6 The Voices

5 1 0
                                    

Nakakailang pagtirit na ng mata si Allison. Papaubos na ang pasensya niya sa makulit niyang customer. Ganoon din ito kaninang umaga, tanghali at ngayong meryenda. Paulit-ulit siyang inaalok nito kumain sa tabi nito.

Kung marami ang mga engkantong nakamasasid sa kanya. Mas marami ding mga maglalakbay ang nangungulit sa kanya ngayon.

"Kung nagagawa ko lang yung mga nasa panaginip ko, malamang tulog na 'tong mga walanghiya na 'to." Wika niya sa sarili.

"Sandali lang naman Binibini eh. Gusto ko lang kumain katabi ka." Pamimilit ng lalaki habang hawak siya sa braso.

"Naku po, marami pa po akong aasikasuhin."

"Konti nalang talaga makakatikim na ng suntok 'tong lalaki na 'to." Bulong niya habang pilit na hinihila ang mga kamay niya.

Pero kahit anong pilit niyang hila ay hindi parin ito kaya nakapagdesisyon na siya. Sasapakin na na niya sana ang lalaki. Ngunit biglang may kamay na humila sa kanya at tuluyan na siyang nabitawan ng lalaki.

"Hindi mo ka nakakahalata na ayaw ka niyang kausap." Kalmado pero may bahid ng galit na sabi ng may-ari ng kamay.

"Jichael?" Tawag niya. Muli ay nagulat siya sa bilis nitong marating sa tabi niya.

Kung sa ibang pagkakataon pupurihin niya ito kaso dahil naiinis siya kaya mamaya nalang.

Sandali itong bumaling sa kanya at ngumiti na parang walang nangyari. At maagap siyang nilayo nang akmang hihilahin muli siya ng customer nila.

Seryoso nitong nilingon ito at tinitigan. Isang kisap-mata niyang nakitang nag-iba ang kulay ng mata nito.

Nang makasiguro itong hindi na siya kukulitin ng lalaki ay tuluyan na siyang hinila nito palayo at dinala sa loob ng kusina.

"Matuto ka sa nangyari. Hindi lahat ng tao o engkanto rito ay nginingitian." Walang emosyon nitong wika. At kasing bilis nang paglapit nito kanina ay kasing dali rin ito nakabalik sa upuan nito at ng pusa.

"Teka, bakit parang ako ata lang ang nakapansin ng ginawa ni Jichael?" Wika niya sa isip. Paglingon niya rito ay nagtama ang mata nila.

"Talagang bang may kakaiba saiyo?" Tanong niya sa isip habang diretsong nakatitig dito.

"Hoy, ituloy mo na yung trabaho mo. Tama na ang titigan nyo." Awat ni Yula nang di tinago ang kilig sa eksena kanina.

"Hindi ko siya tinitigan!" Pagtatanggol niya sa sarili.

Kinurot siya nito sa tagiliran. "Hay wag mo kong lokohin, halata kayo. Grabe kakilig na."

Tahimik nilang tinahahak ang daan pauwi. Walang sinuman sa kanila ang gustong magsalita. Nalilito na siya. Sa dami ng nang kakaiba sa kanya ay dumadagdag pa ang binata.

"Ngayon ayaw na niya halos bitawan si Maui. Akala ko ba ayaw niya sa pusa." Obserba niya rito.

Bigla naman itong napangiti na parang may naririnig itong nakakatawa.

"May nakakatawa ba?" Naiirita niyang usisa.

"Wag mo kong pagbalingan ng galit mo. Kung magiliw na sakin si Maui hindi ko na kasalanan yun. Ikaw mismo ang may gusto nito." Natatawa nitong sagot.

"Hindi ako galit. Ang sinasabi ko lang ay parang kaninang umaga ayaw mo sa kanya tapos ngayon close na kayo, agad?"

"Close? Eh bat parang galit ang tono mo?"

"Hindi ako galit. At bat naman ako magagalit?" Balik niyang tanong.

"Kaya nga. Bakit nga ba? Wala ka namang ikakagalit, di ba?"

Ageless DimensionWhere stories live. Discover now