Chapter 5 The Signs

3 1 0
                                    

Kulang na lang ay takasan na siya ng bait. Tulad noong huwebes ay hindi niya rin naabutang tulog pa si Allison. Maaga uli itong umalis.

Gustong gusto na niyang sakalin ang dalaga dahil iniwan siya nito.

"Matapos niya akong sabihang wag siyang iiwanan, ako naman ang iniwan." Paulit ulit niyang litanya sa daan papunta sa bayan.

Hindi niya maipaliwag pero simula nang mahalikan niya ang dalaga ay lagi na siyang natatakot mawala ito sa tabi niya. Kahit nga nanghihina siya kahapon ito parin ang iniisip niya.

Mukhang totoo ang sinabi ng Helento, isang mahusay na babaeng nakakaalam ng kinabuksang mangyayari. Mayroon itong binigay na pitong senyales sa kanya na magiging gabay niya para makita ang pakay niya sa paglalakbay.

Iyong una, ikatlo at ikaapat ay nangyayari na sa kanya.

"Ano ano naman po iyon?" Usisa niya matapos mabanggit ng Helento na may matutulog ito sa kanya sa paghahanap sa nakatakda.

"Kumuha ka muna ng panulat para mailista mo ang mga sasabihin ko." Utos nito na sinunod naman niya.

"Una, hindi mo na nanaising malayo o mawala siya sa paningin mo. Lagi kang makakadama ng pagkabalisa kapag iniiwan ka niya.

Pangalawa, maririnig mo ang mga iniisip niya. Kahit ang pinakatinatago niya sa sarili niya.

Pangatlo, makakadama ka ng matinding pagnanais na protektahan siya. Kahit pa malagay sa panganib ang buhay mo.

Pang-apat, magkakaligtaan mo ang patulog sa oras na mahalikan mo siya. At dahil doon manghihina ka sa ikaapat na araw.

Panglima, makakaya mo nang magpalit ng anyo ng kahit anong uri ng hayop sa lupa. Ngunit siya lamang ang magdidikta kung ano ang dapat mong maging anyo.

Pang-anim, magkakaroon ka ng matinding karamdaman. Ngunit matapos noon ay magkakaroon ka ng mas malakas na kapangyarihan." Tuloy tuloy nitong dikta.

"Gaano naman po kayo kasiguradong makakatulong ito sakin? Parang mga-" Naputol isang malakas na batok ang dapat niyang sasabihin. Mula iyon sa Helento.

"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?" Nanlalaking mata nito tanong.

"Hindi naman sa ganoon pero parang masyado naman pong kakaiba ang mga ito." Sagot niya habang hawak ang batok.

"Paano mo naman nagpapaliwanag ang kakayahan mong maggaya ng anyo ng mga tao? At ang pagkakaroon mo ng kakaibang lakas? Aber?"

"Dahil sinugo ng Bathala ang pamilya namin at ako lang nag-iisang lalaki na anak kaya ako lang ang may abilidad nakakaiba rito. Naniniwala naman ako kaya nga nakikinig ako saiyo ngayon eh. Ituloy na natin ang pangpito."

Bigla itong sumeryoso. "Ang pangpito ay..."

"Ay...." Dugtong niya.

"Ay malalaman mo kapag nakabalik ka na dito kasama ang tinakda." Wika nito sabay alis sa harap niya.

Kahit anong pilit niya ay hindi na nito sinabi ang ikapito hanggang makaalis siya.

Hanggang makarating siya ikatlong bayan na may kakaibang butas na lumalabas at nawawala rin.

"Sundan mo ang butas at mahahanap mo ang tinakda." Payo ng kanyang ama.

Sa malas niya ay inabot na siya ng limang taon sa pagsunod sa butas. Dahil kung hindi siya nahuhuli sa balita ay nasa kabilang ibayo pa ng kinalulugaran niya ang sumunod na butas. Kamakailan lang siyang mapirmi sa isang lugar.

Nakakadama siya ng pagkapagod sa pagsunod sa mga iyon. Mabuti na lamang at may nakilala siyang dalaga.

Malaki ang naging tulong nito sa kanya bagama't naghihinala na siyang ito nga ang tinakda. Ngunit makailang ulit na ring mangyari sa kanya ang una at ikatlong senyales. At hindi na nasundan ng iba pang senyales.

Ageless DimensionWhere stories live. Discover now