Chapter 8 The Call

5 1 0
                                    

Magaan ang pakiramdam niyang minulat ang mata niya. Babangon na siya nang may maramdaman siyang brasong nakayakap sa kanya.

Sinuri niya ang pinaggalingan noon. Nang maalala niya nangyari kagabi.

Ilang sandali lang nang di na siya gumalaw ay nakatulog na si Jichael. Habang siya abala sa pagpapakalma ng puso niya.

Hindi niya maintindihan bakit masyado siyang apektado sa mga kilos nito.

Tinitigan niya ito bago binigyan ng isang halik sa labi nito.

Balak niyang pagbigyan ito sa gusto nitong halik. Alam niyang biro lang nito ang nabanggit nito pero nakadama siya nang saya nang gawin niya iyon.

Ngunit nang ilalayo na niya ang sarili dito ay bigla siyang kinabit nito sa leeg.

Kung siya dampi lang ginawa niyang halik. Ito naman ay seryosong halik ang ginawa nito. Na kung tawagin sa kanila ay French Kiss.

Naestatwa ang ulo niya. Kahit gusto niyang itulak ang binata ay hindi nakikisama ang katawan niya. Na kung tutuusin ay madali niya lang magagawa dahil isang kamay nito ang may hawak sa leeg niya.

Maya maya nilayo na nito ang labi sa kanya. Kusa naman niyang minulat ang mata niya. Sinalubong siya ng masaya nitong mata.

Awtomatiko namang kumilos ang mga kamay niya para itulak na ito.

"Sa wakas sumunod ka din sakin." Sita niya sa mga kamay niya.

Na maagap namang hinuli iyon ni Jichael. "Bakit mo ko itutulak?"

"K-kasi h-hinalikan m-mo ko saka--"

"Ikaw ang nauna. Saka tinugon ko lang naman ang ginawa mo ah."

"E-eh bakit ganun iyong ginawa mo?"

"Ano bang ginawa ko?" Hamon nito.

Sigurado siyang inaasar lang siya nito. Bakit ang dali lang para dito ang ginawa nito? At walang bakas ng katiting na pagsisisi sa mga mata nito.

"Gusto mo bang pagsisihan niya ang ginawa niya?" Tanong niya sa sarili.

Tumanggi ang isip niya. Mas ayos sa kanyang ginusto ng binata ang ginawa nito. Kaysa magsisisi ito at humingi ng paumahin.

Pero naiinis parin siya. Wala paalam na nga nitong ninakaw ang una niyang halik noon sa Yrdfael. Tapos ngayon halos angkinin na nito ang labi niya.

Bigla siyang makadama ng pag-iinit sa mukha niya. Jusko! Kailangan ko ng hangin.

Akmang babangon na siya nang lalo nitong higpitan ang hawak nito sa mga kamay niya.

"Saan ka pupunta? Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa. May gusto pa nga akong gawin." Muli nitong nilapit ang mukha nito sa kanya.

"At gusto kong tumugon ka." Utos nito bago tuluyang tawirin ang pagitan ng labi nila.

THEY KISSED LAST NIGHT!!! Hinalikan siya nito at sinagot niya iyon sa paraan na alam niya. Damn! And she likes it very much.

Muling nag-init ang mukha niya. Sheet of paper. Napalunok siya. Sigurado siyang namumula na siya ng sobra ngayon. Ramdam niya parin ang labi nito sa labi niya.

"Ano nang magyayari sa kanila ngayon? Papakasalan na ba siya nito? Wait, teka, mahal ba siya nito? Paano kung hindi? Paano kung aalis ito uli? Paano kung wala lang dito ang halik na pinagsaluhan nila? Saan na siya pupulutin nito? Sigurado siyang hindi na niya kakayaning mawala ang binata. Ano ba 'tong pinasok niya? Ni hindi niya nga kilala ng lubusan ang binata. Dalagang Pilipina siya. Ano nalang ang sasabihin niya sa kuya niya?" Mga tanong niya sa isip.

Ageless DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon