#10- Sinong aayaw

14K 417 3
                                    

Sinong aayaw


Todo ngiti pa ako habang naglalakad papunta kay George, nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako nakikita. May dala pa akong bulaklak para sa Operation: Ligawan Ang Babaeng si George o OLABG. Si Gino ang nag-isip nun. Tinanong ko kung bakit kailangang may babae pa, sabi niya para daw hindi ko makalimutang hindi bading si George.

"Hey beybe, flowers for you." Inabot ko ang bulaklak kay George habang kausap niya ang kaibigan niyang si Glenda. Dinemonstrate pa sakin ni Gino kung paano ko ibibigay ang bulaklak kay George.

Sa totoo lang hindi ko makakalimutang babae si George dahil simula nung opening ng foundation day simple na siyang manamit.Kagaya ngayon nakasuot lang siya ng itim na palda at puting blouse.

Kumunot ang noo niya pero kinuha naman niya sakin ang bulaklak, "uuh, Gian? Para saan to?"

"Nanliligaw ako." Simpleng sagot ko. Mas lalong kumunot ang noo niya. Magsasalita sana siya kaso bigla siyang may nakita sa likod ko, nakita ko ang pag aliwalas sa mukha ni George. Kaya napalingon ako at may nakita akong hayop.

"Gabriel!" Sigaw ni George pagkatapos ay tumakbo papunta sa amin yung panget. Niyakap naman siya ni George. Kung makayakap akala mo hindi magkasama kahapon pagkatapos nung performance namin.

"Ehem.." Napatingin naman silang dalawa sakin. Tinignan ako ng tinawag ni George na Gabriel. Hindi na niya hinintay na ipakilala kami ni George sa isa't isa.

"Ako nga pala si Gabriel." Tinignan ko ang nakalahad niyang kamay, nagdadalawang isip ako kung kukunin ko yun. Wala akong balak makipagkilala sa karibal ko. Pero sa huli tinanggap ko na rin.

"Gian." Pagkasabi ko ng pangalan biglang nagbago ang itsura niya. Tinignan niya si George pagkatapos ay napangiti siya.

"So you must be the stupid guy that Georgina liked." Langya, hindi ko alam kung nang-aasar siya o ano. Iba kasi ang pagkasabi niya nun pero naasar parin ako.

"Yes, I was stupid. And no, George still  loves me and I'll make sure it'll remain constant." Tangina mo. Napapa English pa ko dahil sa ugok na to.  Napataas naman ang kilay ni Gabriel dahil sa sinabi ko.

"I see." Pagkatapos ay tumango tango at tumingin kay George. Bigla namang namula si George at tumingin sa ibang direction. Tae lang, anong ibig sabihin nun? May gusto ba si George sa panget na to?

"Ah, ano Gian salamat dito sa bulaklak. Aalis na kami. Tara na Gabriel, Glenda." Tumalikod na si George at hinila si Glenda. Nilampasan naman ako ni Gabriel at sumunod sa kanila. Yun na yun? Hindi ko alam kung dapat ba akong sumunod sa kanila o hindi.

"Bopols, sundan mo."  Narinig kong sabi ni Gino. Nasa gilid ko silang tatlo. Tangina ang mga hayop nakasuot ng gaya sa detective, tirik na tirik ang araw. Muntik na kong matawa kaso binato ako ni Genti ng tinapay at sinabing sundan ko si George kaya lumakad na agad ako ng mabilis papunta sa kanila.

"O Gian, nandito ka pa?" Tanong sakin ni Glenda. Tumango ako. Sabay kasing naglalakad si George at si Gabriel at siya ang nasa likod kaya siya ang tinabihan ko.

"Wala kasi akong magawa kaya na-isip kong sumama muna sa inyo." Umakto ako na parang nabo-bored pero sa totoo lang gustong gusto ko nang paalisin ang pangit na  Gabriel na to.

Naka dalawang booth narin kami pero hindi ako pinapansin ni George, kay Gabriel lang siya nakatingin at paminsan minsan nagbubulungan pa sila. Sinusubukan ko ngang makisama sa usapan nila pero konting salita lang ang sinasabi nila pagkatapos ay babalik sila sa sarili nilang mundo na parang sila lang ang tao. Packing tape, masakit palang mabalewala.

Buong pagpasyal sa mga booth kami lang ni Glenda ang magkausap. Nakakatawa rin pala ang babaeng to. Natigil kaming apat sa isang booth na nagtitinda ng ticket para sa movie marathon sa auditorium. The Fault in Our Stars daw ang palabas. Takte, love story pa ang hayop. Hay naku babae nga naman. Pero dahil manunood si George at kasama niya ang hinayupak na Gabriel, magtitiyaga ako.

Tinignan ko silang dalawa habang bumibili ng ticket. Si Gabriel ang nagbayad at mukhang excited pa manood ang walang hiya.

"Tae, naalala ko nung isang beses na nanood kami ng horror movie. Tili ng tili si Gino. Parang manganganak na tuta." Iniling ko ang ulo ko. Natawa naman ng sobra si Glenda. Nakita kong masama ang tingin sakin ni Gino.

"Talaga takot si Gino sa horror movies?" Tinignan ko si Glenda. Siya nga pala ang partner noon ni Gino sa pag gawa ng kanta. Napangiti ako. I smell something smelly. Tumingin ako sa paligid at ngumiti ng palihim sa mga kaibigan ko.

"May gusto ka ba kay Gino?" Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, bigla naman siyang namula at nag-iwas ng tingin. Nakita ko pa sa gild ng mga mata ko na naibuga ni Gino ang iniinom niyang juice. Langya, gusto kong matawa pero pinigilan ko dahil kaharap ko sa Glenda.

"W-wala noh. Di ko type ang mayabang na yun." Wala daw pero habang sinasabi niya yun namumula ng sobra. Napailiing nalang ako. Relationship stage: IN DENIAL.

"Okay sabi mo eh. Tara bili na tayo ng ticket. Ako na magbabayad" Total nakabili na si George at Gabriel ng ticket nila, si Glenda nalang ang nilibre ko. Kinuha ko na ang wallet sa bulsa ko at iaabot ko na ang pera sa schoolmate namin na nagbabantay.

"Te-teka Gian.. kasi ano." Narinig kong sabi ni George nung kinuha ko na yung ticket namin ni Glenda kaya tinignan ko siya. Hindi naman siya makatingin sakin ng deretso at sumusulyap pa siya kay Gabriel. "Nasaan ba kasi ang mga kaibigan mo?"

Nagkibit balikat lang ako pagkatapos ay nilagay ang mga kamay sa bulsa ko. "Ewan, may date ata yung tatlo, nambababae siguro." Napansin ko naman ang paglukot ng mukha ni Glenda. Langya, in love nga to kay Gino.

"Eh ikaw? Hindi ka ba sasama sa kanila?" Tanong ni George. Tinignan ko siya ng maigi at tinaasan ng kilay.

"Gusto mo bang sumama ako sa kanila?" Mukhang nagulat naman si George at nagtitigan lang kami. Nagpabalik-balik ang tingin ni Gabriel at Glenda sa aming dalawa. Parang lahat kami naghihintay ng sagot ni George. Matapos ang ilang minutong katahimikan..

"Sabi ko nga, sumama ka nalang. Tara na." Sabay talikod at naglakad papunta sa auditorium. Napangiti ako. Mahal talaga ko nito, sa gwapo ko ba namang to, sinong aayaw sakin?

Pretty Crazy StalkerWhere stories live. Discover now