Chapter Nineteen : Invitations

2.6K 124 4
                                    

CHAPTER NINETEEN

[CHRISTINE]

            Awkward… awkward… awkward… “Ha-ha… may ate ka talaga?” mukha siguro akong derp ngayon… antanga-tanga, bakit ko nga ba kasi inassume na syota niya yun?!

            “Tsss… yung madaldal na malademonyong babae na yun… ate Nadine ko yun” sabi niya  bigla. Mukha na siguro akong ultra-stupido ngayon dahil nakanganga talaga ako. “Bakit ba parang gulat na gulat ka?” mukhang amused si Nathan dahil kita ko ang small smile sa gilid ng kanyang mga labi…

            “Ah…eh… nagkataon kasing nakita kita na may kasamang babae na sumakay sa taxi so inassume ko na GF mo yun” sabi ko habang pinaglaruan ko yung mga daliri ko.

            “Malisyosa ka talagang babae ka… kadiri, sa ate ko pa talaga” pinitik niya yung noo ko bigla.

            “Aray! Masakit yun ah!” reklamo ko.

            Ngumiti siya ulit. “See? You’re so easy to cheer up… no effort needed… idiot” saka niya inoffer yung kamay niya sa akin. Inabot ko yun at hinila niya ako patayo. “Magpunta ka na nga sa clubroom niyo, ayusin mo na lahat… at kapag nakita pa talaga kitang umiyak…” huminto ulit siya. “Basta dapat ito na yung huli na makikita kitang ganyan” saka siya umalis.

            Si Nathan talaga… ang weird weird niya… Nagpunta muna ako sa CR para maghilamos ng sandali, mabuti pala at hindi ako nagmemake-up, or else baka pinagtawanan ako ni Nathan kanina kasi tiyak magmumukha akong clown pag umiiyak ako.

            “Hi guys” sabi ko once na nakapasok na ako sa clubroom. “Uy Christine!” bati nila kaagad sa akin. Except kay Logan and Jace na parehas na mukhang seryosong seryoso sa sofa. “Sorry kung matagal-tagal akong nawala… nagpahangin lang ako ng sandali” paliwanag ko.

            “Alam mo kapag umiiyak ka, dapat sa akin ka na lang nagpupunta… wala ka bang tiwala na kaya kitang patahanin?” sabi ni Jace.

            “Hindi naman sa ganon Jace but… gusto ko lang talaga mag-isa ako eh” sabi ko. Nginitian ko siya… sila… “Pero wag na kayong mag-alala sa akin ah… ayos na ako. So… practice tayo?”

            Nagtinginan silang lahat… “Okay, rock na Crystal!” sigaw ni Dale.

            Pagkatapos ng practice eh sabay ulit kaming umuwi ni Jace. “Di muna ako kakain ngayon ah” sabi ko sa kanya, bago pa man ako makapasok sa condo ko eh hinawakan niya yung braso ko. Hinila niya ako, saka niya ako niyakap ng matagal.

            “Sorry, insecure akong tao Tin… alam ko na nahihirapan kang kalimutan si Logan but… nandito naman ako para sayo eh. Sana naman ma-realize mo iyon” sabi niya once na ni-release niya yung yakap.

            “Good night Jace, I’ll keep that in mind” nginitian ko siya. Naa-appreciate ko yung efforts niya, but ayoko naman na agad agad akong magju-jump from one person to another… no way… hindi ako tutulad kay Logan noh!

            Once na makapasok ako sa condo ko eh humiga muna ako sa kama ko, nilabas ko yung books and yung sci-cal ko saka ako gumawa ng assignments at nag-review. Nandito na ulit si Nathan eh, delikado na kapag nataasan na naman ako nung Sleeping Prince na yun!

            ~Riiiing! Riiiiing!

            Cellphone ko yun ah… tiningnan ko muna kung sino yung tumatawag, si mommy? Bakit kaya siya napatawag?

The Secret of The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon