Chapter One : Chris vs. Chris

10K 261 27
                                    

CHAPTER ONE:

 

Wow! Ang cool naman nila!

Si Chris ba yun?

Ang astig talaga ng Crystal!!!

“Naku Chris, ang dami mong talagang tagahanga… puro babae pa sila… paano kaya kung mas mabait ka, edi sana may lalaking fans ka rin”

            “Lubayan mo ako Trish… wala akong pakialam sa mga fans.. basta ba nagagawa ko kung ano ang dapat kong gawin… maganda naman yung tingin nila saken”

            “Hindi talaga… pagdating sa boys ng campus natin eh… medyo bad reputation ka”

Ayan nanaman yung babaeng yan… napakayabang kung maglakad… akala mo kung sino.

Ayusin mo nga yang uniform mo!!!

Hoy. Manahimik na kayo, baka masaktan pa tayo ng di oras

 

            “Ayan nanaman sila Chris… grabe talaga etong mga lalaking eto, eh isang pitik mo lang eh tumba na yang mga yan eh!”

            “Manahimik ka nga, masyado pang maaga para mapaaway tayo”

            “Yes Campus Queen!!”

            “Wag mo akong tawaging ganyan”

            Christine Allison Bernardo, sixteen, fourth year high school student… known as both the most loved and most hated girl in high school. Bakit kamo? Kinatatakutan or kinaiinisan siya ng mga lalaki sa campus, status NBSB, no boyfriend since birth… at malabo ring magkaron pa siya. Hindi pala sama sa mga tao except sa members ng grupo niya ang Crystal… bakit Crystal? Galing ito sa name niya na Christine at Allison, iniba ang spelling pero nandoon ang thought… mga members lang niya ang nag-isip nun, wala talaga silang name sa group nila… pero tinanggap na lang ni Chris ang naisip ng members niya.

            Tigasin, masungit at malakas yung tipong kaya niyang tapatan yung varsity sa boxing. MAN-HATER siya. Yun ang best description niya,,, according sa ilang estudyante, iniwan daw siya at ng nanay niya ng daddy niya noong four years old pa lang siya at bumabalik pa minsan minsan para kuhanan ng pera ang mom niya.

            Nung elem days daw niya ay nabubully siya ng mga lalaki dahil nga wala siyang daddy… yun ang nagmulat sa kanya sa katotohanan na masasama at di dapat pagkatiwalaan ang mga lalaki.

            Once na nag-high school siya ay gumawa na siya ng club na later na nakilala na nga bilang Crystal. Grupo sila ng mga babae na nagsisilbi na sumbungan at resbak ng mga ilang babae na a.) niloko ng lalaki b.) inaway ng lalaki  o kaya kahit anong negatibong bagay na may kinalaman sa lalaki.

            Supposedly club lang sila, pero gang talaga ang dating nila… For instance ang forms ng pagganti nila ay either mapahiya, mabugbog or matrauma ka. Yun ang naging dahilan kung bakit biglang sumikat ang club nila, lalo na si Christine or Chris… karamihan ng girls sa campus ay nakadepende sa kanya.. Savior nga daw ng girls; Campus Queen kung tawagin. Pero hindi niya tanggap ang title na yun.

            Lahat ng members ng Crystal ay may sariling uniform, blue vest over sa blouse. Si Chris ay naiiba dahil leader siya, hindi siya nagve-vest at instead na isuot ang coat ng uniform nila ay nakabuhol lang ito sa waist niya… black socks rin ang suot niya instead na white. Sumuko na ang teachers sa pagreremind sa kanya, special case nga daw kung tawagin.

The Secret of The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon