C-Cemetery?

"Mama... kamusta na po kayo?" Tanong ni Kuya Mj sakaniya. Nilapag nito ang bulaklak sa may puntod at sinindihan ang kandila.


Joana H. Pagkalinawan

June 12, 19** - June 20, 20**

"Nandito na po siya ma... nandito na po si Julia." Nanghihinang sabi ni Sehun.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil alam ko na kung sino ang tunay kong mama o malulungkot dahil hindi ko manlang siya naabutan.

"A-anong nangyare?"

"Dati ka pa niya pinapahanap. Nung piliin kami ni papa dahil manganganak palang si mama noon at si Juniel yun. Hindi ka pa namin ma-ipakilala sakanya kasi nasa school siya. Kapatid mo. Hahaha! Nakakatawa lang kasi palagi kang unica iha ng pamilya. Palagi niya kaming kinukulit dati na hanapin ka kaya naghire kami ng imbestigador. Pero wala sa kanila ang nagtagumpay. Yun pala apilido ni papa ang gamit mo. Hindi kasal sina mama at papa dahil hindi nakapag-hiwalay ang mama mo ngayon kay papa nang maayos." Pagpapaliwanag niya at nanahimik lang ako. Akala ko tapos na, akala ko lang pala yun.

"Nitong taon din siya kinuha sa amin. Apat na taon siyang nakipaglaban sa sakit niya. Ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin, kaso wala. Hindi siya naka-survive. Hindi pa kami pumayag na ipa-opera siya dahil may chance man na mabuhay at mawala yung sakit niya, pero mas malaki ang chance na hindi niya kayanin. Natatakot kami. Natatakot kami na hindi siya makabalik sa amin. Nagtanong kami noon sa iba pang doctor pero gano'n din ang sabi nila. Ayaw namin na mawala siya sa amin. Pinilit niya kami ng pinilit pero ayaw namin pumayag dahil nga duwag kaming maiwan niya." Sabi ni Sehun at nagsimula nang pumatak ang luha niya. Ni hindi ko nga namalayan na umiiyak na pala ako.

Noong una nagalit ako sakanya. Kasi pinamigay niya ako sa iba. Ang sarili niyang anak ay pinamigay siya sa iba ng basta basta. Pero hindi ko naman alam na ganto ang pinag daanan niya.

"Naghintay kami. Naghintay kami ng naghintay, hanggang sa lumabas ang doctor at sinabi na... na hindi niya kinaya. Nalala ko pa yung huling sinabi niya sa amin bago siya operahan."

"She's your sister son. She's you younger sister. Please take care of her.I know that she's angry at me and I admit that I'm wrong. I can't do what a mother should do to her daughter. So please take care of her. That's my last favor to you. I hope you can do that. Sana maasahan ko kayo ng kapatid mo. Sana magawa niyo ang mga bagay na hindi ko nagawa sakanya." Sabi ni kuya Mj at nakita ko ang luhang pumatak sa mata niya.

"She did her best to fight because she wanted to see you. Gustong gusto ka niyang makita. Kaso mukhang madamot talaga ang tadhana kaya hindi na nangyari yun. But all she ever wanted is for you to forgive her. Sana mapatawad mo siya Julia. Hinihingi niya din ang kapatawaran ng mama mo." Sabi ni Sehun sa akin. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mga mata ko at hinarap ko ang puntod at pilit na ngumiti.

"H-hello po ma-mama! Nandito na po ako oh. Malaki na po yung unica iha niyo hahaha." Pagbati ko dito.

"Alam niyo po ba nung una kong nalaman, nagalit ako sainyo, kasi ipinamigay niyo ako. Pero nagpapasalamat din ako dahil sa isang mabuting tao niyo ako ibinigay. At naiintindihan ko na po kayo."

"Alam ko pong nag-sisisi na po kayo ngayon. Gustong gusto ko rin po sana kayong makita. Gusto ko po kayong makausap. Andami ko pong gustong gawin kasama kayo... pero mukhang malabo nang mangyari yun." Sabi ko habang pinipigil ko yung hikbi ko. Hindi ako makahinga ng maayos.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon